Popular Posts

Skype Me™!

Blogroll

online Readers

About




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Bi- Love Stories. Powered by Blogger.

Maraming-maraming Salamat po sa pagsuporta at pagtangkilik

sa aking mga kwento. Sana po ay magustuhan ninyo.

Skype Me™!

Thursday, October 4, 2012
Ako si John kasalukuyang nagaaral sa isang sikat na paaralan dito sa Davao. Masasabing commoner na lalake, slim fit tho hindi gaanong katangkaran mga nasa 5’5 ata ako. Sa totoo lang hindi purong libog lang ang gusto kong maibahagi sa inyo, kaya try nyo basahin at magbigay kayo ng kumento. Ang pagkwento ko ay ayon sa aking POV at hindi ko masyadong binigyan ng emphasis ang mga dayalogo pero sana ay maintindihan nyo parin ang flow ng kwento. Pasensya dahil 1st time na isusulat ko yung kwento ko. Lastly, wala pa sa isip ko na Bi ako nung nangyari ito sa akin.

1st year high school ako nang magsimula ako sa aking mga kalokohan. Napag-isipan ko na masyado lang akong mabait nung elementary kung kaya`t wala masyado akong barkada. Nagsimula ako sa pag cutting classes at pagtalon sa mga pader para umabsent. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isipan ko habang ginagawa ko ang mga ito pero nag eenjoy ako kasi parang exciting. Wala namang problema ang aking mga grades kahit madalas akong mag cutting classes, pinipili ko kasi yung mga subjects na lumiliban ako.
May isa akong kasabwat para makapag cutting classes ako. Siya si Dion. Sa bawat absent na meron ako ay siya na ang nagdadahilan. Pero hindi nagtagal ay natakot na si Dion para sa akin kasi baka raw hindi ko na kayang imaintain ang aking grades. Alam kong concerned lang si Dion kaya`t sinabihan ko na huwag nang mag-alala. Malakas ang tiwala ni Dion sa akin kaya`t nagpatuloy na parin siya.

Isang sikat na varsity player si Dion sa basketball. Halos 5’9 ang height, fit ang pangangatawan yung tipong walang bilbil kahit walang abs, kayumanggi ng kaunti sa akin at syempre gwapo. Maayos ang hubog ng mukha ni Dion, may pagka singkit pero wala namang lahing Chinese. Malinis siya lalo na sa pananamit at parating mabango kahit na pinagpapawisan sa paglalaro, tila ba ang pawis niya ay body spray na hindi matanggal-tanggal.
Alam ko ang dahilan kung bakit malapit si Dion sa akin, mababa ang kanyang mga grades at gusto niyang magpatulong sapamamagitan ng pagtutor sa kanya. Dahil sa kabaitan niya sa akin at sa pagdadahilan sa tuwing absent ako sa klase ay pumayag na rin ako. Napagplanuhan namin na sa tuwing hapon tapos ng eskwela ay dederetso kami sa bahay nila para mag-aral.
Tatlo lang sila sa kanilang bahay. Ang kanyang ate, na tuwing madaling araw lang umuuwi dahil sa kanyang trabaho sa call center, at ang kanyang yaya, na matapos ang mga gawaing bahay ay umaalis na rin. Madalas mag-isa si Dion sa bahay nila kaya`t wala siyang mapagtanungan sa mga assignments namin. Siguro dahil na rin sa boredom ay di na rin nakakapag-aral ng maayos si Dion. Buti nalang at humingi na siya ng tulong sa akin at naiwasan na lumala pa ang pagbaba ng kanyang mga grado.
Sa bawat session naming ni Dion, mabilis niyang natutunan ang mga itinuturo ko, siguro nga ay natututo agad kapag gusto mo ang ginagawa mo. Bakas sa mukha ni Dion na tuwing pumupunta ako sa kanilang bahay ay parang New Year ang okasyon at parati siyang nakangiti. Isang araw ay absent si Dion sa klase kaya`t naisipan kong bisitahin siya sa kanilang bahay. Makailang ulit ako sa pag doorbell pero walang bumubukas ng gate, hindi ko namalayan hindi pala ito naka-lock kaya pumasok ako at dun ko pa nilock. Dumiretso ako sa kanilang sala pero walang tao, tinawag ko si Dion at narinig ko ang kanyang mahinang boses sa kanyang kwarto. Nagulat ako dahil may sakit siya pero siya lang mag-isa sa bahay. Ipinaghanda ko siya agad ng lugaw at baka hindi pa siya nakakain. “Sarap ng lugaw mo John.” Sabi niya pagkatapos ay hinigop ang natitirang lugaw. Hindi na ako nagdalawang isip na umalis sa tabi ni Dion at inasikaso ko siya hanggang siya ang gumaling. Para san pa at nagging kaibigan niya ako? Nagising ako madaling araw ng may maramdaman ako na matigas sa aking likuran, nagulat ako nang makita ko si Dion na hinihimas ang aking pwet. I was half-asleep nun kaya di ko gaanong pnansin at sinabihan kong itigil na lang at matulog. (Iniisip ko nun na may sakit pa rin siya, tsaka nagising sa gitna ng mahimbing na tulog agad ba akong malilibugan dun?)
Sabado ng umaga ay nagising ako sa ingay ng shower, inisip ko na baka gising na si Dion kaya naligo na muna. Maya-maya ay bumangon ako at tinanong si Dion kung pwede bang makahiram ng damit para magamit sa araw, sabagay ay dito rin muna ako mananatili para itutor si Dion sa mga namiss niyang lessons nung siya ay absent. Binuksan niya ang pintuan at tumambad sa akin ang hubad niyang katawan hawak ang isang tuwalya at sumagot “Nasa cabinet John, sa tabi ng TV. Hanap ka ng fit sayo payat ka baya.” Nakatawang sagot sa akin. Hindi ko gaanong napansin ang nasabi niya dahil sa nakita ko, totoo nga na kapag matangkad ay mataba at mahaba ang alaga. Pumasok agad ako at naligo, sa pagkataranta ko ay nakalimutan kong magdala ng towel pagpasok sa banyo. Narinig ko na naka-on ang TV sa kwarto kaya pinakiusapan ko si Dion na pahiramin ako ng damit at towel at kung maaari ay ihatid sa CR. “Nasa drawer yung mga towels John. Sus! Mahihiya ka pa eh nakita mo na yung akin.” Sagot ni Dion. Lumabas ako ng nakahubad pero nakatalikod sa kanya at agad na kumuha ng towel sa drawer at nagtapis pagkatapos ay bumalik sa CR para magpunas.
“John sexy ka pala kahit nakatalikod, ngayon ko lang napansin hahaha.” Pabiro niya habang nasa loob ako ng CR. Lumabas ako habang nakatapis at tinanong kung saan ulit nakalagay ang kanyang mga damit para magamit ko. “Sa cabinet hahaha paulit-ulit?” sagot niya sabay tawa. Dahil magkatabi ang TV at ang kanyang cabinet ay dumaan ako sa kanyang harapan nang nakatapis, nakita kong naka boxers lang si Dion at inilihis ko ang tingin mula sa kanya. Nainis ako sa biro niya kanina habang nasa CR ako. Wala naman sigurong problema kapag payat hindi ba? Kahit payat ako hindi naman ako masakitin. Anyway, dumaan na ako sa kanyang harapan upang kumuha ng damit mula sa cabinet nang bigla niyang hinila ang aking kamay at inilagay sa kanyang mukha. “Masaya ako na binisita mo ako kagabi. Baka lumala pa sakit ko if you didn’t came in.” Inalis ko ang aking kamay sa kanyang mukha at sinabihan na magbihis na siya at baka lagnatin ulit. Kumuha na ako ng damit sa cabinet at bumalik sa CR para magbihis. Nakakatawa kasi t-shirt at shorts lang ang hiniram ko sa kanya at hindi ako nag-isip na humiram ng undies dahil sa hygiene concerns. Ang presko sa pakiramdam.
Matapos magbihis ay ipinahanda ko na ang aming mga libro sa lamesa. Napansin kong mas lumamig ang temperature sa room siguro ay naka-on na rin ang aircon pero hinayaan ko nalang muna. Nag umpisa kami sa paborito ni Dion, ang Math. May mga taong talagang magaling sa math pero mahina sa English, habang ako naman ay mejo okay ang English pero may pagka slow sa math. Review lang kami nun at nagfocus na sa English later on. Sumakit ang aking ilong na tila ba tumigas na ang aking sipon sa sobrang ginaw. Hindi ako nagpahalata na giniginaw ako pero hindi ko nakaya at halos nanigas ako sa sobrang lamig. Lumapit si Dion at hinagkan ako sabay sabi na napagod siya at kung pwede bang magpahinga. Nagulat ako dahil bakit kailangan pa niya akong yakapin. Pero naramdaman ko ang init ng kanyang katawan kaya pinabayaan ko lang siya na mahagkan ako. Siguro ay nakaramdam na rin siya na giniginaw na ako at napatanong sa akin, “gusto mo magpainit John?” sa totoo lang ang iniisip ko ay hot chocolate ba or Milo or iba pa kaya napasagot ako ng “Sige salamat”. Bigla na niyang ipinasok ang kanyang kamay sa aking shorts at pinisil ang aking ari. Nagulat ako pero halos hindi ako makagalaw mula sa kanyang pagkakayakap at sa sobrang ginaw na nararamdaman.

Ironic kasi kahit na malamig ang kwarto at giniginaw ako naramdaman kong mainit ang kanyang mga kamay na siyang patuloy sa paghimas sa aking malambot na ari. Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa leeg, sa tainga tapos sa bibig. Natulak ko siya sa sobrang gulat at umalis ako sa kinauupuan ko. Lumabas ako ng kwarto at pumunta ng kusina para uminon ng tubig at maghanap ng makakain. Sinundan ako ni Dion at humingi ng paumanhin sa ginawa. “Sorry John akala ko kasi ano ka. Kasi, mahinhin ka at di ka gaya ng ibang lalake sorry.” Pabulong na paumanhin niya. Gulat ako sa sinabi niya napagkamalan ata ako na bakla. (Kung sabagay kahit sino ay makakapag-isip rin ata ng ganoon dahil wala pa akong girlfriend, pero ganun ba ang basehan?)
Hindi ako nakaimik sa mga sinabi niya. Bumalik ako sa kwarto at pinatay ang aircon. Binasa ko ulit ang mga sagot ni Dion sa ginawa kong questionnaires. Kung susumahin pasado na siya sa lessons at pwede ko na siyang pabayaan pero napaisip ako na kung paano kung magkasakit siya ulit, sino ang aalaga sa kanya? Pumasok si Dion sa kwarto at muling humingi ng paumanhin. Napasuntok ako sa kanyang braso pero ako pa ang nasaktan, agad niya akong niyakap at sinabing hindi na uulitin ang ginawa niya. (Kahit ang pagyakap niya ay nararamdaman ko pa rin na ganoon pa rin ang iniisip niya sa akin.)

2nd part supposedly:

Kumawala ako sa pagkakayakap ni Dion sa akin, mga ilang minuto ko rin na hindi siya pinansin siguro ay dahil pagkabigla sa mga mabilis na pangyayari. Ibinigay ko sa kanya ang mga questionnaires para mapag-aralan at nagpaalam ako na umuwi na. Hindi na umimik si Dion habang binabasa ang mga questionnaires.
Ilang araw rin ang itinagal ng pag-iwas ko kay Dion. Nagbago na rin ang pakikitungo niya sa akin. Kung noon ay halos araw-araw niya akong binabati na may ngiti sa mukha pero ngayon ay pasulyap nalang ang kanyang mga pagbati. Nasanay na ako noon na pinapaligiran si Dion ng maraming tao, dahil nga sikat, gwapo at kung ano pa. Naging close na rin kami ni Dion ng ilang buwan kaya parang naninibago ako na hindi kami masyadong magkasama at kung minsan ay parang naiinis ako sa mga lumalapit sa kanya, pakiramdam ko tuloy nalilito lang ako.
Kahit na magkaklase kami ni Dion ay bihira na lang kaming mag-usap pagkatapos nung nangyari sa amin. Matagal ko na ring pinagmumunihan ang ginawa niya, ang sa tingin niya ay kung ano ako at ang sa tingin ko kung ano nga ba talaga ang gusto ko.
Isang beses ay sinubukan ni Dion na kausapin ako, hindi ko maintindihan ang pakiramdam para bang ilang taon kaming hindi nagkita at biglang nanabik ako. Pakiramdam ko magiging maganda ang araw ko nung niyaya niya ako na sumabay na maglunch.
Kumain muna kami bago niya ako kinausap. Halata sa mukha ni Dion ang kasabikan at kasiyahan nung magkausap kami. Nagulat ako ng bigla niyang inilabas ang isang bracelet na may initials na “D&J” at sabay sabi na maghihintay lang daw siya sa akin. Sinabi niyang napansin niya na madalas ko siyang tinitingnan at nahalata niya na parang nagseselos daw ako. Inisip ko na may kayabangan din pala si Dion pero hindi ko mapagkakaila na kung tama ba o mali ang sinabi niya. Sinabihan ko si Dion na nagdadalawang-isip pa rin ako hanggang ngayon pero sumagot siya ng “John, alam ko first time mo ako, baka nga ay hindi ako yung tipo mo pero wala akong ibang maipagmamayabang John kundi yung pagmamahal ko lang sa iyo.” Biglang natawa ako sabay sabi “Seryoso? Pwedeng magjoke?” tapos hinagkan niya ako ng mahigpit sa kabila ng maraming tao sa cafeteria. “Wala akong pakialam sa sasabihin nila John basta andito ka sa tabi ko masaya na ako.”
Ulit kumawala ako sa mahigpit na pagkakayakap ni Dion sa akin, muli kong naramdaman ang pagka-ilang gaya nang pagka-ilang nung hinalikan niya ako labi. Biglang hindi ko maintindihan ang nasabi ko na parang nagsisinungaling lang ako sa totoo kong nararamdaman. “Dion, alam mo na hindi pwede at hindi tama pero bakit ang lakas pa rin ng loob mo na magpatuloy? Sa dinami-dami ng babae na umaaligid sa iyo bakit ako pa??” Natahimik si Dion, ibinigay niya sa akin ang bracelet. “John itago mo na lang ito remembrance mo sa akin.” Hindi ko tinanggap ang bracelet, kasi biglang pumasok sa isip ko na kung tatanggapin ko ito ay baka binigyan ko na rin siya ng pag-asa na baka ay magustuhan ko rin siya.


Umalis siya hawak ang bracelet at dumiretso na ng classroom. Nagpaalam siya sa teacher namin na kung maaari ay lumiban siya sa klase sa hapon dahil masama ang pakiramdam niya. Nakita kong lumabas siya ng classroom dala ang kanyang bag at ang box na lalagyan ng bracelet. Feeling guilty tuloy ako na sumira sa araw naming dalawa. Inisip ko na lang na tama ang ginawa ko pero naramdaman ko maling-mali ang nagawa ko.
Patapos na ang pasukan saka ko lang napansin na madalas wala sa paaralan si Dion, sinisi ko ang aking sarili at nag-isip na baka may masamang nangyari sa kanya. Pagpasok ko sa aming classroom ay nagulat ako nang napansin kong may kausap ang aming teacher. Siya raw ay ang ate ni Dion, sinubukan niyang magpaalam na kung maaari raw ay maka-take ng final exam si Dion kahit na hindi siya pumasok. Inabot rin niya ang medical certificate na nagpapatunay na may sakit si Dion at kailangan raw ng pahinga. Ang unang pumasok sa isip ko ay paano kung mababa ang makuha niyang grade? Paano kapag hindi niya naipasa? Pero hindi na ako nag-isip na dumalaw man lang para bisitahin si Dion or subukang maging tutor niya kahit na sa huling beses.
Matapos ang finals ay agad namang ipinaalam ang kasama sa mga honor students. Masaya ako dahil hindi ko naman inaasahan na kasama ako, inisip ko siguro magiging proud si Dion sa akin kapag nalaman niya ang tungkol dito. Naalala ko si Dion, agad kong tinanong kung pumasa ba siya. Laking tuwa ko dahil mataas ang kuha niya sa kabila ng kanyang karamdaman.
Pagkatapos na pagkatapos ng klase namin ay agad akong dumiretso sa bahay nila Dion upang kamustahin at ipaalam sa kanya na pumasa siya. Naabutan ko ang isang van, si Dion, na inilalagay ang mga bag sa likuran nito. Lumapit ako at nagulat si Dion. Kinausap ako ni Dion at nagpaalam. “John sorry kung hindi ko na sinabi sa iyo, babalik na kami ng Baguio, kina mama at papa. Inilipat na kasi si ate sa ibang branch, nakisuyo siya na kung maaari ay sa Baguio dahil malapit sa bahay.”
Nagulat ako sa narinig ko. Parang nagblack-out ang utak ko, na tameme sandali at ipinaandar ang generator. Nagkunwari akong masaya kahit na parang malakas ang pakiramdam ko na mangungulila ako. Sinabi ko na lang na nakapasa siya sa exams at malaki ang nakuha niyang grado. Tapos ay umalis ako, tumakbo ako papalayo hanggang mabilis kong narating ang aming bahay. Agad akong pumasok sa kwarto at nagkulong. Hindi ko maintindihan ang sarili dahil umayaw na ako pero pakiramdam ko ay gustong-gusto ko sana, at kung maaari pa ay ibalik yung araw na nagtapat si Dion sa akin.
Hindi ko na napansin na nakatulog na ako, marahil ay sa sobrang pagod. Madaling araw ay nagising ako at biglang nakaramdam ng sobrang pagkalungkot. Hindi na rin ako nakatulog dahil sa sobrang tahimik ng paligid ay maririnig ko ang bawat tibok ng aking puso na para bang tahimik na nagpapaalam sa isang taong hindi ko gustong mawala sa tabi ko. Inabutan na ako ng umaga at naisipan kong pumunta sa bahay nila Dion.
Nakaalis na pala sila at wala nang tao sa bahay. Dun ko lang na-realize ang tunay na halaga ni Dion sa akin, nung nalaman ko na na wala na siya.

SUbmited by Dion

0 comments: