Popular Posts

Skype Me™!

Blogroll

online Readers

About




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Bi- Love Stories. Powered by Blogger.

Maraming-maraming Salamat po sa pagsuporta at pagtangkilik

sa aking mga kwento. Sana po ay magustuhan ninyo.

Skype Me™!

Thursday, October 18, 2012

Nagkamayan ang dalawa. Matapos maipakilala ni Lance sa lahat ng naroroon ay naupo na ito sa upuang itinabi sa upuan ni Lance. Inabutan din ng baso si Sam at tinagayan ng alak. Nagsimula na din makipag-inuman si Sam sa grupo ng magbayaw. Si Lance ang naging bangkero sa kwentuhan ng grupo. Subalit paminsan-minsan ay si Edward ang nagkwekwento tungkol sa naging karanasan niya sa Saudi. Si Sam ay talagang nanahimik na lamang at sumasabay na lamang sa tawanan kung may nakakatawang naikwento.

Hanggang sa tawagin ni Emily si Lance dahil gusto daw siyang kausapin ng isang kamag-anak ng kanyang byenan. Pag-alis ni Lance ay sumunod din si Edward na nagpaalam na pupunta lamang sa banyo. Makalipas ang ilang minuto ay nagbalik na si Edward at naupo siya mismo sa tabi ni Sam. Nagkaroon tuloy ng pagkakataon ng mag-usap ang dalawa ng malapitan. Medyo nagkanya-kanya na rin kasi ng kwento ang mga naroroon ng umalis si Lance.

Madalas ka maikwento ni Lance sa akin. Binibiro nga ako na hanapan nga daw kita ng maliligawan.” ang panimula ni Sam.

Si kuya talaga. Gusto pa rin nya ako na mag-asawa. Alam mo bang madami na rin siyang niretong babae sa akin. Ewan ko ba bakit hindi ako successful sa mga nakaraan relationship ko.” ang sabi ni Edward.

Pero sabi din ni Lance na may asawa ka na.” ang sabi ni Sam sa kanya.

Noon yun. Hindi kami nagkasundo. Kaya naghiwalay din kami.” ang sabi naman ni Edward.

Ganoon ba. Di bale marami dyan na makikilala mo pa at magmamahal sa iyo.” ang sabi naman ni Sam.

Sana nga.” ang maikling nasabi ni Edward.

Oo naman lahat tayo may nakalaang soul mate.” ang dugtong pa ni Sam.

Ang baduy naman nun. Soulmate? Meron ba nun? Naniniwala ka ba sa ganun?” ang mga tanong ni Edward.

Malay mo. Just keep hoping. Someday darating din sya.” ang sabi naman ni Sam.

Ikaw ba Sam natagpuan mo na soulmate mo?” ang tanong naman ni Edward.

Biglang tumahimik si Sam at tila di makasagot sa tanong ni Sam.

Wala pa. Pero darating din ang panahon na makikilala ko sya.” ang tugon ni Sam na medyo natagalan bago nya nasabi.

So ikaw din pala eh single pa? Or married na din pero naghiwal din kayo?” ang mga tanong ni Edward.

Legitimate single pa ako.” ang tugon ni Sam sabay tawa.

Nagtawan ang dalawa ng malakas. Nabigla ang mga kasama nila sa mesa. Kaya naman nagtanong ang isa sa kanila kung ano ang pinagtatawanan nina Sam at Edward. Biglang binulalas na lamang ni Edward na meron din tulad nyang tumatanda na zero pa din ang lovelife. Nakitawa na rin ang buong grupo. Iyon naman ang balik ni Lance.

Mukhang nagkakasiyahan kayo ng lubusan.” ang bungad ni Lance.

Bayaw, single din pala itong si Sam at zero lovelife.” ang sabi ni Sam kay Edward.

Ganun ba. Zero lovelife ka ba ngayon pare?” ang tanong ni Lance kay Sam.

Parang may kakaibang pahiwatig ang pagtatanong na iyon ni Lance kay Sam. Nakailang taon na din ang kanilang tagong relasyon. Tila di mawari ni Sam kung sasagutin niya ang tanong ni Lance. Pero nag-isip pa rin si Sam ng maisasagot kay Lance.

Pare naman. Parang di mo alam ang tungkol sa lovolife. Ikaw yata ang adviser ko sa tuwing meron akong popormahan. Ikaw din ang takbuhan ko sa tuwing basted ako or may break-up na nangyari.” ang sabi naman ni Sam kay Lance.

Kaya naman pala pareho tayong zero lovelife eh si kuya Lance pala ang parehong adviser natin sa ating lovelife.” ang biro naman ni Edward.

Kayong dalawa talaga puro kayo biro. Malay ko sa lovelife nyo. Basta ako magaling pumili ng mamahalin ko. Masarap kasi ako magmahal kaya hindi din ako mahirap mahalin.” ang sabi naman ni Lance.

Mas lalong kinantyawan si Lance ng dalawa pati na rin ang mga kainuman nila. Nagpatuloy pa ang masayang kwentuhan ng grupo hanggang sa isa-isa ng nagpaalam ang ilan sa kanila. Si Sam ang pinakahuling nagpaalam kasi siya naman daw ay late na dumating.

Hindi na rin ako magtatagal. Aalis na din ako.” ang paalam ni Sam kina Lance, Emily at Edward.

Pare, kaya mo pa bang mag-drive?” ang tanong naman ni Emily.

Ayos lang ako mare. Kayang-kaya ko pa.” ang sabi naman ni Sam.

Pare, lasing ka na. Tignan mo nga sarili mo at hindi na tuwid ang lakad mo. Mabuti pa kaya na dito ka na lang matulog.” ang sabi naman ni Lance.

Oo nga naman. Dito ka na matulog.” ang pagsegunda ni Edward.

Kaya ko pang mag-drive. Don’t worry.” ang pagpupumilit ni Sam.

Pare, kilala kita. Hindi ka naman ganoon karami uminom. Sinabayan mo kasi itong si Edward sa malakas uminom. Delikado ka nyan sa daan.” ang pagtutol ni Lance sa pag-uwi ni Sam.

Ayos lang ako pare.” ang maikling nabanggit ni Sam.

Tutal mapilit si Sam na makauwi, ako na lang ang maghahatid sa kanya.” ang alok naman ni Edward.

Lasing ka na din kaya.” ang sabi naman ni Emily kay Edward.

Ate, madami lang akong nainom pero hindi pa ako lasing. Kahit byahe pa tayo ng Baguio ngayon ay kaya ko pang magdrive.” ang sabi naman ni Edward.

Mas mabuti nga siguro. Kilala ko itong bayaw ko. Wala sa vocabulary nya ang word na lasing. Sige, sasama na din ako sa paghatid sa iyo.” ang sabi ni Lance.

Eh papaano ang kotse ko?” ang tanong naman ni Sam.

Iwan mo muna at bukas ihahatid namin ni Edward sa inyo. Tutal Linggo naman bukas.” ang sabi naman ni Lance.

Bayaw, ako ng bahala kay Sam. Maiwan ka na dito at ilapit mo na lang sa harapan ng bahay yung kotse ni Sam.” ang sabi naman ni Edward.

Mabuti pa nga honey. Madami pa tayo ililigpit para bukas may time pa tayo magsimba at mag-grocery.” ang pagsang-ayon ni Emily sa kanyang kapatid.

Ok. Sige bayaw, ikaw na maghatid kay Sam. Pero mag-ingat ka sa pagda-drive.” ang pagsang-ayon din ni Lance.

-ITUTULOY-

Friday, September 30, 2011

APOY - Unang Bahagi

P’re hanggang kailan kaya tayo?” ang tanong ni Lance sa kumpare niyang si Sam habang nakahiga pa sila sa kama matapos ang mainit nilang pagtatalik.

Sa totoo lang hindi ko din alam. Kahit na medyo may feeling of guilt na ako kay kumare, heto pa rin ako, niyayaya ka pa rin na gawin itong bawal na gawain natin.” ang tugon naman ni Sam.

Ewan ko nga p’re bakit ang lakas mo sa akin. Sobra na yata ang pagmamahal ko sa iyo at lahat ng dahilan ay gagawin ko makasama ka lamang.” ang sabi naman ni Lance.

Kailan na nga yun noong una tayong nagkakilala... Ah oo nga pala... Buntis pa si kumare sa bunso mo. Sixth birthday yung huling celebration nya di ba?” ang tanong ni Sam.

Oo pre. Anim na taon na yung inaanak. At tanda mo pa pala yung panahon na yun.” ang sabi naman ni Lance.

Sino ba naman makakalimot noong mga panahong iyon na may isang sobrang makulit ng straight guy kuno sa bisexual chat room. Yun bang ang yabang-yabang na otcho pulgada daw at super hot na daddy.” ang sabi ni Sam.

Biglang pinisil ni Lance ang matangos na ilong ni Sam.

Grabe ka naman pare. Hindi ko naman sinabi ang mga yun.” ang biglang sabi ni Lance.

Bakit sinabi ko ba na ikaw yun? Guilty ka lang pare.” ang sabi ni Sam.

Nagharutan ang dalawa sa ibabaw ng kama at nagbibiruan tungkol sa chat nila sa internet noong hindi pa sila nagkikita. Nagkakilala silang dalawa sa isang chat room sa internet. At iyon ang simula ng kanilang relasyon bilang magkaibigan, sexual partner at bilang magkumpare na din. Buntis noon ang asawa ni Lance sa pangatlo at bunso nilang anak. Samantalang si Sam ay nag-eenjoy sa pagiging chick-boy nya, yung pwede sa chick pero pwede din sa boy. Inaanak sa binyag ni Sam ang bunsong anak ni Lance. Mahigit anim na taon na din nilang naitatago ang kanilang kakaibang relasyon sa pamilya ni Lance. Subalit tanggap naman si Lance sa mga magulang ni Sam. Nag-iisang anak lamang si Sam at simula ng magtapat siya sa kanyang mga magulang ay buong puso nilang tinanggap ang kakaibang pagkatao ni Sam.

P’re sa weekend pala meron celebration sa bahay. Punta ka ha.” ang paanyaya ni Lance kay Sam.

Bakit? Sinong may birthday?” ang tanong ni Sam.

Walang may birthday. Darating sa Tuesday yung kapatid ni misis. Si Edward, yung halos sampung taon na yatang pabalik-balik sa Saudi.” ang tugon ni Lance.

Gusto nyang maghanda kami sa Sabado para sa kanyang permanente ng pagbabalik sa Pilipinas. Di na daw sya babalik sa Saudi. Start na lang daw sya ng business nya dito.” ang dugtong pa ni Lance.

Bakit sa bahay nyo? Dapat doon sya sa province nila maghanda. Nandoon mga kamag-anak nya at yung mga magulang nya.” ang sabi naman ni Sam.

Ayaw nya doon. Sa bahay daw muna nga sya titira habang naghahanap pa ng mabibiling condominium unit. Kahit nga magbakasyon lang eh ayaw nya pumunta sa probinsya nila. Yung mga byenan ko na lang ang luluwas bukas.” ang tugon ni Lance.

Wala pa bang asawa yung bayaw mo?” ang tanong ni Sam.

Ang alam ko nagpakasal na sya sa Bulacan noong huli niyang uwi more three years ago. Pero sabi ni misis naghiwalay na daw sila. Nagpunta na daw sa US yung babae. Nurse kasi yun. Dati din sa Saudi nagtatrabaho.” ang sabi ni Lance.

So for good na sya mag-stay ng Pilipinas. Tama na din na magnegosyo na lang sya. Malaki na din yata ipon nya sa sampung taon niyang pagtatrabaho sa Saudi.” ang sabi naman ni Sam.

Balita ko nga kay misis. Malaki ang sweldo nya sa Saudi at naipaayos nya nga daw bahay nila sa province. Sabi nga nya samahan ko nga daw maghanap ng condominium unit na bibilhin nya para may tirahan siya dito sa Manila.” ang salaysay pa ni Lance.

Sige p’re. Pupunta ako sa Saturday. Sa susunod na Sabado ko na lang dadalhin sina Mommy at Daddy sa Tagaytay. Gusto nilang mag-spend ng weekend sa bahay namin doon.” ang pangako naman ni Sam.

Nagkayayaan ang dalawa na lisanin na ang motel na iyon. Sabay silang bumangon at tinungo ang banyo upang maligo. Matapos makapaligo at makapagbihis ay tuluyan na nilang nilisan ang motel. Kotse ni Sam ang dala nila. Idinaan ni Sam sa Lance sa isang parking lot upang daanan naman ang kanyang kotse. Doon na naghiwalay ang magkumpare.

Dumating na ang Sabado na welcome celebration ng bayaw ni Lance. Medyo na-late si Sam sa dinner celebration dahil may inasikaso pa syang kanyang client. Halos lahat ng bisita ay nakapag-dinner na at kumakain na lamang ng panghimagas o kaya naman ay may hawak na baso ng inumin. May dala din cake si Sam upang maihanda din bilang panghimagas sa hapunang iyon.

Sam, bakit late ka naman pare?” ang bati ni Emily, ang misis ni Lance na syang sumalubong sa pagdating ni Sam

Halika, pasok ka sa loob.” ang yaya pa nito kay Sam.

Sorry mare, may urgent lang akong client na pinuntahan pa.” ang tugon naman ni Sam.

Ipinakilala si Sam ni Emily sa ilang bisita na nadaanan nila sa pagpasok ni Sam sa loob ng bahay. Inihatid ni Emily si Sam sa gilid ng bahay na kung saan naroroon sina Lance at ang bayaw nito kasama ang mga kalalakihang bisita na umiinom na ng alak.

Pare, bakit ngayon ka lang?” ang bungad ni Lance.

Medyo naipit lang sa isang client. Pasensya na pare.” ang sagot naman ni Sam.

Sige pare maiwan muna kita. Aayusin ko lang ang mesa ng makakain ka na din.” ang paalam ni Emily kay Sam.

Salamat mare. Pero nakapag-dinner na rin ako kasama yung client ko.” ang sabi naman ni Sam.

Sure ka pare. Anyway, kapag gusto mong kumain pasok lang sa may dinning room at nandoroon lang ang mga pagkain.” ang sabi naman ni Emily.

Salamat mare.” ang sabi naman ni Sam.

Honey, ikaw na bahala kay pareng Sam.” ang bilin ni Emily sa kabiyak bago niya tuluyang nilisan si Sam.

Pagpasok ni Emily sa loob ng bahay ay ipinakilala ni Lance ang kanyang kumpare sa mga kalalakihang umiinom doon pati na rin sa kanyang bayaw na kapatid ni Emily.

Pareng Sam, sya pala yung sinasabi kong bayaw na galing Saudi. Sam si Edward. Edward si Sam.” ang pakilala ni Lance sa bayaw nito.

-ITUTULOY-

0 comments: