Popular Posts

Skype Me™!

Blogroll

online Readers

About




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Bi- Love Stories. Powered by Blogger.

Maraming-maraming Salamat po sa pagsuporta at pagtangkilik

sa aking mga kwento. Sana po ay magustuhan ninyo.

Skype Me™!

Wednesday, October 24, 2012

Hi Utoy,

Salamat sa blog mo at madami kang natutulungan. Matagal na akong reader at gusto ko magshare ng story ko. Wala itong sexual encounter or intimate moments na detalyado. Para sa akin kasi hindi na kailangan yun. Ang importante maipakita ko sa mga readers at maishare sa kanila ang story ko.

Gusto ko siyang bigyan ng title na “Kay Tagal Kang Hinintay”

Maraming maraming salamat sa iyo.

Once na din ako nakapagsend ng kwento about myself sa isang site that shares stories about m2m encounters and about PLU (people like us).

My story just happened last June 18, 2009 and I want to share it with you.

Before anything else, kilala ako sa net as Vic, 25, from Cavite. I’m a discreet bisexual at hanggang ngayon ay nagtatago pa din sa loob ng closet. 12 months na kami ng girlfriend ko at luckily, hindi pa siya nakakahalata sa aking pagkatao.
So here it goes….

Year 2008
When I was still working, my day usually starts with reading my emails. Company mail, yahoo and gmail.

You have a new friendster request from Carl. Hmm… sino naman kaya ito. Hindi naman ako nagbibigay ng personal friendster account ko kung kani kanino. Hindi kasi ako nagpapakita sa mga kachat ko. I still have this image that I have to protect. Nadala na kasi ako one time when I opened my cam sa ym. Nakilala ako ng kachat ko and it happened na sa pareho kaming company nagwowork.

I immediately checked kung sino tong si Carl na nagrerequest to be my friend. Not familiar, iisa lang ang friend namin in common, si Love Anover pa. He looks cute though and I noticed na personal friendster nya ang ginamit nya sa pag add sa akin so I added him up and scanned all his pictures. It took me more than a day para tingnan lahat and basahin kung anuman ang nasa friendster nya.

First impression? I was impressed. A teacher, a triathlete, a mountain climber, a philatelist (bihira lang ako makahanap ng taong nagcocollect din ng stamps like me), a hopeless romantic, Aquarian din siya, a singer, likes photography, swimmer, loves statistics, etc, etc… The list is endless, marami kaming similarity ng mga gusto at hindi gusto sa buhay.

As days pass by… Araw araw sa buhay ko, sumama na sa daily routine ko when I check my emails ay ang pagcheck na din sa profile ni carl. Baka merong bagong picture, or baka in a relationship na siya, o baka naman nag update siya, etc… Wala yata akong pinalampas na araw na hindi ko nacheck ang profile nya at nascan ang mga favorite kong images na nasa photo gallery nya.

Wala akong lakas ng loob to approach him or even send him a message dahil takot ako. I’m afraid na baka we have common friends and malaman ng sambayanang Pilipino kung sino talaga ako.

Hindi ko namalayan, I became his silent fan. I would grab his images and upload it to my phone. Papakita ko sa superfrends ko (yan ang tawag namin sa grupo naming magbebestfriends) at ipagyayabang ko sa kanila na I have a not-so-romantic relationship with this guy. At sila, tawa ng tawa dahil sa porma kong to, may lalake pala sa buhay, *grin*

Alam ng best friends ko kung sino talaga ako at hindi ako nagsisisi na sinabi ko sa kanila dahil they accepted me and loved me more when I came out sa kanila. Mas naging close pa kaming magkakaibigan at mas lalo naming minahal ang isa’t isa.

Going back to Carl, sobrang naobsess ako sa kanya. Days went by and I suddenly realize, I’m falling in love with this guy. Yes, I’m falling in love with someone na hindi ko pa nakausap, nakatext or naka chat kahit once lang. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil takot ako.

Takot akong magmahal ng guy because when I fall, I fall deeply. At ayokong dumating sa point na magmamahal ako ng lalake more than I love my girlfriend. But my fear is coming. Im falling for him… Deeply.

Kahibangan man kung tawagin pero I must admit, minahal ko siya dahil hindi ko alam. I have my reasons but I still don’t know what are those reasons. Alam ko din na hindi tama ito at walang kapupuntahan dahil unang una, sa image nya pa lang, he’s straight.

After so many months, nagkaroon din ako ng lakas ng loob na mag message sa kanya sa friendster. Naka tyempo din ako. I saw his newly uploaded photos nung mataba pa siya.

Hi Carl, galing nung before and after pics mo. Care to share your secret how you achieved your body now. And gaano katagal yung slimming process mo... Cute ka nung chubby ka. Pero ngayon hottie ka na. ^_^ Can I get your yahoo messenger?

Sent….

Sa wakas, nagawa ko din. Sobrang kaba at nerbyos ang nararamdaman ko that time dahil hindi ko alam kung magrereply ba siya or anong iisipin nya sa akin.

Wala pang 12 hours. I got his reply.

you can get my too
0917*******, 0928*******

Wow! Number ang ibinigay. Save ko naman at nagreply pa ako.

Wala naman yung messenger mo eh.

Then he replied again giving me his yahoo messenger id. That was the last message I got from him sa friendster.

I added him up sa ym agad agad. And saved his number sa phone ko. Good thing naka dual sim ako pwede ko siya itext sa parehong network.

Days passed by. Silent fan pa din ako ni Carl. Araw-araw kong hinihintay na mag online siya pero wala. Nagtataka ako kung bakit eh halos araw-araw naman siyang naka online based on his friendster status kung kelan last nag-online. I tried sending him an offline message. Hi carl, kamusta bro?

Ding! May reply agad. Naka appear offline lang pala ang mokong na to.

Ok lang. Yun lang ang reply nya. Kung anu-ano pa sinabi ko hindi ko na matandaan pero mukhang napakailap ng taong ito. MASUNGIT sobra.

Kinabukasan nag-message ulit ako. Hi Carl, kamusta bro? Ok lang. The usual reply. I asked him, anong ginawa mo para pumayat ka ng ganyan? SHABU daw. Aba, may ere tong mokong na to. Mayabang at suplado.

Nakakaturn-off sobra. Pero kahit na naturn-off ako that day. I never stopped loving him silently.

I tried sending him once ng love quote. Reply agad siya, hu u? It’s vic. Send na naman ako ng isa pang love message. Sabi nya, nahanap ko na ang mahal ko.

Nalungkot naman ako bigla. Sobrang lungkot. Pero mahal ko eh. Anong magagawa ko, ganun yata talaga ang pag ibig. Kahit kelan, pasaway. ^_^

Every once in a while nagsesend ako sa kanya ng mga love at inspirational quotes.

One day, dumating ang kinatatakutan ko. After kong magsend sa kanya ng text quote. I got a reply na talagang nagpainit ng ulo ko.

Pwede ba wag mo na akong itext? I’m happy.

Nagunaw ang mundo ko. Ang mundong binuo ko mag isa na sanamakasama ko doon ang taong minahal ko ng palihim at pilit kong pinakatago-tago. Sa sobrang sama ng loob ko, nagpost pa ako sa friendster bulletin.

Yabang mo akala mo kung sino ka!

Suntukan na lang tayo. Wag mo kong daanin sa yabang mo.

Text mo mukha mo!

Ipinost ko yan hoping na sana mabasa nya. Ewan ko lang kung nabasa nya nga. Since nangyari yan, never na akong nagsend ng message or nagtext sa kanya.

Days went on… Pinilit ko siyang kalimutan…

May 2009
As I was working at home nakita ko siya nag online. 3AM na yun. Nakita ko ang status message nya, mukhang broken hearted yata. Eto na naman ang puso kong pasaway, umandar na naman ang pagka maawin.

Kamusta ka na? Seems you’re not ok.

At tama ang hinala ko. Medyo nagkakalabuan na sila ng karelasyon nya. Nagulat ako when 

Carl mentioned “he” sa chat namin. It means lalake din ang karelasyon nya. Hays, PLU din pala to.

Nag-usap kami thru ym ng mga 3 or 4 days. Sabi ko naman sa kanya, wala akong intension, I just want to be his friend. Yun lang. Lumipas na kasi feelings ko sa kanya. So he started being nice to me kahit sa chat lang. Sobrang laki ng ipinagbago nya. Nawala na yung mga one liner messages nya sa akin.

Eto na naman, nagbabalik, muling nabubuhay ang nararamdaman ko para sa kanya. I realized na hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya. In fact, mas minahal ko pa siya ngayon. Ang difference ngayon, friends na kami. Minsan may exchanges of messages sa text o kaya offline messages sa ym. Malaking bagay sa akin na napapansin nya ako ng ganun. Masaya na ako.

And last week, hindi ko inasahan na mangyayari ang mga bagay na wala talaga sa plano. First time na siya ang nagsimulang magtext.

Carl: Gud Pm

Vic: Gud Pm. Kamusta?

Carl: Ok Lang. Meet tayo sa Friday.

WHAT? Friday na agad at siya ang nagyaya… Namula ang mukha ko, nag-init ang mga mata ko, hindi ako makapaniwala sa lahat.

Vic: Ok lang ibang day? Kasal kasi ng cousin ko sa Friday, kakanta ako. How about Sat?

Carl: May masters ako pag sabado. Wednesday?

Vic: Sige ok ako ng Wednesday.

Wed na agad. Lunes na. 2 more days. Parang hindi pa ako ready. Kailangan kong matulog ng maaga. Para mukha akong fresh at mawala ang haggard look ko.

Carl: Saan?

Vic: Kaw?

Carl: SM Southmall or ATC

Vic: Sige. SM Bacoor pwede din. Hehehe

Carl: Layo naman.

Vic: Hindi kasi ako makakapagdrive papunta dyan, around Bacoor lang ako. Wala yung license ko.

Carl: Layo ng SM Bacoor. Pwede din. Para makagala naman ako.

Vic: Sige. 7PM Max’s SM Bacoor.

Carl: 7PM is ok with me. See you then.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Ang reaction ko. Lahat. Nawala ako sa wisyo ko. Hahaha… Ganun talaga pag magkikita kayo ng taong mahal mo.

Tueday night.
Shoots! Nasa marumihan lahat ng damit ko. 2 months na nga pala akong walang laundry. 

Paano na bukas? Buti mabait ang younger sister ko.

Sis, gusto mo mag internet sa laptop ko? Pwede mo muna labhan damit ko bukas ng umaga? 

May client meeting kasi ako ng 7PM eh.

Wednesday, 10AM.
I drove to SM Bacoor, ang aga ko no? Excited? Hindi naman. Nakapambahay pa ako nun. 

Anong ginawa ko dun? Nagpa footspa, Hahaha! Pinaalis ko ang mga kalyo kalyo sa paa ko at mga black lines kakalakad ko sa resort na ipinapagawa naming magkakaibigan.

Bumili na din ako ng bagong polo, kulay green. Yun na lang gagamitin ko tonight pag nagkita kami.

5PM
Pauwi na ako ng house para magbihis. 6:15 nagtext na siya on the way na. 6:30 nandoon na daw siya. Naligo pa ako, ng tubig at ng pabango. Gusto ko 1km away pa lang naamoy nya na ang perfume ko.

Vic: I’m on the way. Green polo.

Carl: Black jacket, first couch on the left, Max’s.

Sa sobrang pagkataranta ko, doon ako pumasok sa entrance ng SM Bacoor, side ng max’s pero umikot ako sa kabilang side. Pag-akyat ko ng escalator, SM Appliance Center pala. 

Hahahah! Balik ako sa kabilang side.
Poof! It became koko krunch. I saw him sitting, I greeted him hi! Then I shook his hands. Tumigil ang mundo ko, parang drama series sa tv na magfreeze ang screen at iikot ang camera.

The usual first meet-up. Kain, kwentuhan, kung anu-ano. Reminiscing ng mga memories. Yeah, paulit ulit kong sinasabi sa kanya na bad siya dahil sa pagsusungit nya sa akin. Hahaha!

8:15 pa lang at medyo nauubos na ang kwento. Nagkayayaan kaming manood ng sine. Terminator Salvation. Nanood lang kami. ¼ na ng movie when I felt his hands reached mine and he asked me, ok lang? Sabi ko yes. Pero sa ilalim ng jacket nya. Baluarte ko ang lugar baka may makakilala sa akin.

Ganun lang kami the whole time sa sinehan. Paminsan minsan he would kiss the back of my palm. And I tell you guys, hindi ako nakaranas kiligin ever since in my life. Masyadong girly ang image. Pero that night, kinilig ako ng sobra sobra. Na nag iinit ang dalawang pisngi ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I fell deeper. Deeper in love with this guy.

Syanga pala, hindi siya nagdala ng sasakyan, nag commute lang siya dahil nasa Laguna ang Estrada nya. So I felt guilty. Nag commute pa siya papunta ng Bacoor. At the same time, mas lalong napamahal sa akin ang taong ito.

Naramdaman kong dapat ko siyang ihatid sa pinakamalayong maabot ng impluwensya ko na hindi ako kayang hulihin ng mga enforcer. Hahaha. Pero ayaw ko pang matapos ang gabing ito, at alam kong ayaw nya pa din.

I asked him if I should bring him home. Paano daw kung ayaw nya pang umuwi. Nag-isip ako kung saan kami pupunta. Wala na akong alam kundi Island Cove lang. At sa oras na yun, wala ng bukas sa Island Cove maliban sa island song at sa hotel.

In short, nag check in kami sa hotel. At nangyari na nga ang mga dapat mangyari. Hindi ko na ikwekwento kung ano ang ginawa namin. Hindi na kailangan yun. Mas masarap magbasa ng kwento kapag ganito lang. Hehehe…

Nakauwi ako sa house ng 6AM after ko siya ihatid sa sakayan pauwi sa kanila. And I never felt happy like this before. Masayang masaya ako.

One message received

Carl: Mahal kita and I have my reasons. Mwah mwah

At lalo akong napamahal sa kanya. Mahirap man ang situation namin, bahala na. Kung saan kami dalhin ng panahon at pagkakataon sa bagong buhay na tatahakin naming magkasama.

Mahal kita. Noon, ngayon at magpakailanman.
Vic

PS: Minsan iniisip ko baka panakip butas nya lang ako dahil sa nangyari sa kanila ng karelasyon nya. Pilit ko man alisin sa diwa ko pero it keeps coming back to me. Magkaganun man, alam kong hindi ako nagkulang. Naramdaman nya ang pagmamahal ko sa kanya na inipon ko ng halos isang taon na naipadama ko sa kanya sa unang gabi ng pagkikita. ^_^

PS2: Please send your feedback at vic_yan1984@yahoo.com

Salamat moderator sa pagpost mo ng story ko.

0 comments: