Popular Posts
-
Hi to everyone haha tagal ko na di nagkwekwento sa inyo kwento ko naman nangyari samin ni kuya sammy di nya tunay na name,, last 4...
-
Magandang araw sa lahat ng mga tagasubaybay sa site na ito. Hindi ako magaling magsulat kaya pagpasensyahan nyo na po tong kwento ko. ...
-
Init agad ang naramdaman ko paggising ko kaninang umaga,. Masyadong maalinsangan ang paligid. Hindi ko alam kung dahil sa panahon gayon...
-
Good day, matagal na akong nagbabasa ng mga blog sa site na to, and I find it interesting pangtagal ng bored sa buhay. and I think is t...
-
Graduation day noon ni Nico ng magkaroon ng medyo malaking handaan sa kanilang bahay. Graduate na siya ng kusrong commerce at tuwang-tuwa an...
-
Ako ay ipinanganak, nagkaisip at lumaki sa isang probinsya sa Norte. Doon na nag-aral at nakapagtrabaho. Masyado akong tahimik na tao pero m...
-
Matagal na rin nung mahiligan kong magbasa ng isang babasahing maraming mahahalay na kwento..halos sa araw-araw bago ako pumasok sa trabaho...
-
May the peace of the Lord be with you… Go in love and peace and serve the Lord… Thanks be to God! Natapos na din ang Misa. Isang ma...
-
19 years old ako noon, 2nd year college, nang mapag-desisyunan kong sumali sa isang organization sa college namin. Nakumbinse akong sumali ...
-
hello sa lhat ng mga readers. ako nga pala si Johnny, 22yrs old, hindi ko sasabihin na gwapo ako tulad ng ibang mga ngkukwento na mxadong O...
Blogger news
Blogroll
online
Readers
About
Bi- Love Stories. Powered by Blogger.
Tuesday, October 16, 2012
Magsisimula ang istorya na ito sa akin. Ako nga pala si Mario Hayley Villamor, bata pa lang ako alam ko ng kakaiba ako dahil hindi normal ang nararamdaman ko; nahuhumaling at nagkakagusto ako sa kapwa ko lalaki; sa mga kalaro ko noong bata pa ako at maging sa mga kaibigan at kaklase ko sa eskwela. Pinilit kong itinago at ikinubli ang lahat ng nararamdaman ko dahil alam kong hindi tama ang aking nadarama. Pinilit ko rin kumilos bilang isang tunay na lalaki dahil gusto ng aking mga magulang na maipakalat ang lahi ng mga Villamor at ako lamang ang makakagawa noon dahil ako lang ang nag-iisang lalaking anak nila at ang isa ay babae na ang pangalan Maria Helga Villamor halos magkamuka lang kami mas nakakatanda nga lang ako ng isang taon. Ako nga pala ay nasa 3rd year high school na at sinasabi ng aking mga kaibigan na isa ako sa mga campus crush(weh) dahil Cute daw talaga ako. Let me describe myself for you. 15 years old pa lang ako pero nasa 5’10 na ang tangkad ko, katamtaman ang aking pangangatawan at medyo maputi ang aking balat, magaganda at mapupungay ang aking mga mata na hazel brown ang kulay, matungis ang aking ilong, mapupula ang labi at may isang dimple sa left cheek ko. Kaya may killer smile ako hehe.
Araw na ng pasukan noon tapos na ang bakasyon. Nag-paalam na ako sa mga magulang ko na papasok na ako, pero hindi ko kasabay ang kapatid kong babae sa pagpasok dahil nagpapahatid sya sa driver namin, samantalang ako mas gusto ko nag-lalakad kasama ang matalik kong kaibigan si Eun Yuri Hyeon. Isa siyang Koreana pero may lahing Pinoy. Napakaganda nitong si Yuri sa totoo lang gusto ko siyang maging girlfriend kapag naging ako lalaki na ako dahil alam ko naman na isang araw magigising na lang ako na babae na ang gusto ko at di na lalaki. Sabi ko nga sa sarili ko parang sipon lang naman to eh, isang araw gagaling din to at makakapag-asawa ako at mag-kakaroon ng anak. Balik tayo kay Yuri, kagaya nga ng sabi ko na maganda siya dahil sa maputi ito, chinta, mapupula ang labi at talaga namang napaka sexy. Halos lahat ng lalaki sa school gustong maging boyfriend niya, eh sino ba namang hindi? eh napaka perpekto niya. Nasa kanya na nga lahat ng qualities eh Maganda, Mayaman, Mabait, pero Matapang iyan sobra walang inuurungan, kaya nga I feel safe when I’m with her. She’s my guardian angel.
(Kumakatok ako sa Pinto ng bahay nila Yuri; magkapit bahay lang kami ni Yuri sa harap lang siya ng bahay namin sa Subdivision)
Tok! Tok! Tok!
(binuksan ni Yuri ang pinto)
Hi! ang maikli kong pambungad kay Yuri.
Oh! Well hello there Rio!(yun ang tawag nila sa akin short for Mario)
Umm.. Sabay na tayo sa pagpasok.
Sure tara na. Wait lang I’ll call my driver.
No. Wag na lakad na lang tayo or mag commute na lang.
Kaw talaga. Bat ayaw mong naka-kotse Hmmp! Sige na nga, let’s go na.
Eh mas gusto ko tayong dalawa lang eh. Sabi ko na medyo nahihiya.
K. Fine! Tara na ma-late pa tayo niyan 7:00am na oh. Class starts within an hour.
Umalis na kami ni Yuri sa subdivision at nag-commute papuntang school.
Nakarating na kami doon na muntik na ma-late dahil medyo napasarap ang usapan namin ni Yuri sa byahe.
Pag-dating na pag-dating namin sa school lahat ay nakatingin sa amin. Paano ba naman sa cute kong ito at sa ganda niyang yun para kaming prinsipe at prinsesa. Lahat halatang kinikilig. Medyo nahiya nga ako dahil lahat sa amin nakatuoon ang atensyon, pero iba si Yuri chin up parin parang model kung mag-lakad at hinila ako papuntang classroom namin.
Habang nag-lalakad kami ni Yuri hinarang kami ng mga kaibigan namin.
Oh! so what’s up?! sabi ni Fred.(Gwapong kaibigan namin)
Yeah! what’s with you two kayo na ba? sabi ni Merry(Cute naming kaibigan)
Pinagtitinginan kayo ng mga tao dito oh. hehe. sabi ni George(Gwapo rin naman kahit papano hehe)
Enough. Ano ba kayo? mataray na sabi ni Yuri; You know me and Rio are good friends. dugtong pa niya.
Toh naman oh di mabiro. sabi ni Merry
Yeah we’re just kidding. Nothing serious. We know na mag-bestfriends lang kayo sabi ni Fred.
So. Lahat naman ng mag-bestfriends na babae at lalaki ay nauuwi sa relationship. haha. tugon ni George
Haha. Funny much. sarcastic na tugon ni Yuri; alam niyo namang may BF na ako eh.
Yeah we know that. Kaya nga dapat yun yung kasabay mong pumasok at di si Rio sabi ni Merry.
Eh… alam niyo naman na secret lang ang relationship namin ni Vincent(Boyfriend ni Yuri) at sa inyo ko lang ito sinasabi, sa mga close friends ko. paliwanag ni Yuri.
Yeah we know that pero di ba nagseselos yun si Vincent kapag lagi kayo magkasama nitong si Rio? tanong ni Merry
Hindi! kasi alam niya na si Rio ang aking one and only bestfriend sabi ni Yuri.
Bestfriend nga lang ba? pangaasar ni Fred.
OO naman sa bi ko. Syempre kababata ko itong si Yuri dugtong ko pa.
Tama! sarcastic na tugon ni Yuri.
Eh bakit nga secret pa rin ang relationship niyo ni Vince? tanong ni George kay Yuri.
Like duh! You know naman na pag umamin ako na may BF na ako marami nanaman na tsismis na kakalat dito sa school. And I don’t want that to happen again, remember what happened to me and my previous boyfriend? diba ang daming tsismis na kumalat at kung anong anong kwento na di ko alam kung totoo ba talaga, na nag pa-complicate at sumira sa relationship namin. paliwanag ni Yuri. At I don’t history to repeat itself again dugtong pa ni Yuri.
Ok fine we get it already tugon ni Merry.
Well that’s good to hear sabi ni Yuri.
Uy! magbebell na mamaya na lang ulit tayo mag-kulitan sabi ko para matapos na ang argumento nila.
Sus! kinikilig ka lang Rio eh hehe dahil mag-kaklase kayong nitong si Yuri. sabi ni George.
Hehe di rin tol seryoso bell na oh. sabi ko.
(Tumunog na nga ang bell)
K. Later guys sabi ni Yuri.
Ge maya na lang ulit sabi ko naman.
Bye! sabay sabay na sabi ng tatlo naming makukulit na kabarkada.
Dali dali kaming tumakbo ni Yuri papuntang classroom.
Lahat ay nakatingin pa rin sa aming dalawa.
At noong nakapasok na kami sa classroom ay nakita kong kaklase ko pala si Zeon Jasper Vargas and isa sa mga heartthrob sa school dahil sa sobrang gwapo nito. Let me emphasize nasa 6ft ito, mapupungay din ang mga mata nito na kulay grey, medyo moreno pero sobrang kinis ng balat, matungis din ang ilong, napakapula ng labi at talaga namang napaka makisig ng katawan. Lahat ng babae at binabae sa school ay nahuhumaling at nahuhulog ang loob sa kanya. Para akong naging estatwa dahil sobrang nanigas ang aking katawan ng nakita ko siya, sa loob kasi ng 2 taon ko sa high school ngayon ko pa lang siya naging kaklase pero dati ay nakikita ko na siya dahil siya ay isang varsity player ng badminton club at napaka active niya sa school activities; kaya napaka-implosibleng di siya makilala dahil sa sobrang lakas ng dating at appeal nito.
Na-Love at First Sight na ata ako kay Zeon. Grabe. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng makita ko siya. At para din akong mawawala sa sarili sa sobrang sarap sa pakiramdam na aking nararamdam noong una ko siyang makita. At tanong ko pa nga sa sarili ko kung pag-ibig na kaya ito?
Nakita ko siyang nakatitig din sa akin medyo matagal din kami nag titigan ni Zeon. Ewan ko rin ba kung sa akin siya nakatitig o sa napakagandang babae na katabi ko na si Yuri.
Rio! let’s sit down na bat nakatayo ka pa jan. sabi ni Yuri sabay turo sa upuan katabi ng sakanya.
Iniwasan na ako ng tingin ni Zeon kaya naupo na lang ako sa tabi ni Yuri.
Binatukan ako ni Yuri. Hoy ano ka ba? bat ka nakatulala? sabi ni Yuri.
Ah la lang may nakita lang akong magandang tanawin. tugon ko naman.
Ay weh! Sino mas maganda ba siya sa akin?
Yep!
Hmmp! sino siya sabihin mo sa akin.. Inaagaw niya atensyon ng bestfriend ko mula sa akin.
Ah eh wala biro lang.
K. Fine.
Hahahahaha. natawa na lang ako. Halatang naiinis na naman si Yuri sabi ko sa sarili ko.
Habang tumigil na si Yuri sa pangungulit, pasulyap sulyap naman ako kay Zeon; at tinititigan ko ito. Minsan nga din ay nahuhuli kong nakatingin ito sa akin.
Okay Class let’s begin our introduction; I am Mrs. Nezzy Noriko and I’ll be your adviser. Now Introduce yourselves.
At isa isa na ngang nag-pakilala ang klase at noong time ko na at time na rin ni Yuri mag-pakilala ay nakatitig ang lahat at tahimik halatang ang iba ay kinikilig habang ako ay nag-sasalita dahil sa cute nga daw ako at ganun din naman ang reaksyon ng mga kalalakihan noong si Yuri na ang nag-salita dahil sa angking kagandahan ni Yuri marami talagang nag-kakagusto sa kanya.
Pero noong time naman ni Zeon tutok din ang lahat lalo na ako. Na-mesmerize ako kay Zeon. Sobrang cute ng mga ngiti nito habang nag-papakilala sa klase. Ang bilis din ng tibok ng puso ko ng pasulyap sulyap siyang tumitingin sa akin at ngingitian ako.
Ang presko ng lalaking yun. sabi ni Yuri sabay turo kay Zeon.
Ha? bat mo naman nasabi? tanong ko na halatang may pag-kainis laitin ba naman si Zeon.
Eh! kanina pa tingin ng tingin sa akin. Crush ata ako eh.
Bat mo naman nasabi na ikaw ang tinititigan ni Zeon.
Eh! alangan namang ikaw titigan niya eh lalaki ka. Syempre Na-mesmerize sa ganda ko yung si Zeon.
WEH! sabi ko na halatang nang-aasar dahil sa naiinis ako na baka tama siya na si Yuri naman talaga ang tinititigan ni Zeon at hindi ako. Ouch naman sabi ko sa sarili ko.
Weh! ka jan! bakit di ba totoo?
Eh malay mo ako nga tinitigan niya ako kaya yung ibang tao na nakapaligid sayo.
Bat naman ikaw tititigan niya? Ikaw ba crush niya? ano yun M2M kayo. Eww. saka ako lang naman maganda dito ah. Uy joke lang. sabay tawa siya.
Ha? M2M ka jan. Di din lalaki ako at babae gusto ko.
K. Fine di ka naman ma-joke haha.
Haha. tawa ako ng sarcastic.
Ganoon takbo ng buong araw puro introduction at puro activities.
Ganun naman talaga sa 1st day ng classes eh.
At noong uwian na nagulat ako ng kinausap ako ni Zeon.
Tol! ako nga pala si Zeon. Sabay abot ng kamay niya para makipag-kamay.
Ah! eh! medyo nauutal ako. A-ako nga pala si Mario, R-Rio na lang for short at Mario Hayley Villamor for long. sabay inabot ko ang kamay niya.
Tumawa siya. Bat may for long? tanong niya.
Tawa na rin ako medyo pilit. Syempre kabado. La lang joke nga yun eh sensya corny ako tol!
Hahahaha! di rin tol natawa nga ako eh.
T-talaga?
OO. Nga pala maiba ako pede bang sabay tayo ngayon may gusto lang akong itanong sayo. dugtong niya.
S-sige. I-ikaw bahala.
Tol! bat parang nauutal ka?
Ah wala lang g-ganito talaga ako minsan, sensya na hehe(pilit na tawa)
Osige. Tara sabay na tayo.
Ge. sandali lang kukuhain ko lang gamit ko sa locker.
Parang sobrang close na namin at ang tagal mag-kakilala nung nag-uusap kaming dalawa. Sarap sa Feeling.
At nung nasa may locker na ako. Bigla namang dinabog papasara ni Yuri yung locker ko.
Hey!(sarcastic tone)
Uy! Yuri.
Bat kayo nag-uusap ni Mr.P?
Sinong Mr.P?
Eh sino pa edi si Mr. Presko!!!
Ah Zeon pangalan nun.
Yah. I know I have ears. I have heard it earlier in the introduction thingy. So bat kayo nag-uusap?
Bakit bawal po ba? sabi ko naman na ang tono ay medyo nag-tataka.
You should choose your friends. That’s what high school about. sabi niya
What? Why?
Di siya mabuting kaibigan.
Bat mo nasabi.
I know his type.
Ano?
Popularity, syempre. And he’ll use you and me; cause we’re popular.
Huh? eh matagal na kaya siyang popular dito sa school di niya tayo kailngan para dun.
No! He needs us for him to be more popular.
At bigla namang sumingit sa usapan namin si Zeon.
Rio! Tol! tara na?
Ehem?! sabi ni Yuri.
Hi miss B. sabi ni Zeon kay Yuri.
At anong.. Pa miss B miss B ka pa jan nalalaman?
Haha wala po miss B cute mo kasi. sabi ni Zeon kay Yuri.
And what does Miss B stand for?! mataray na tanong ni Yuri.
Miss BEAUTIFUL! mabilis na sagot ni Zeon.
Hmmp!!! biglang nag-walk out si Yuri. Parang model na nag-lakad sa hallway.
Anong problema nun? pabulong nasabi ni Zeon sa sarili niya. Oh. So tara na? sabi ni Zeon sa akin.
Muli biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napaka-ganda talaga ng ngiti ni Zeon sabi ko sa sarili ko.
Hey! Bigla naman nag-snap ng fingers si Zeon at sinabing Hey Bro are you still there?
Bigla naman namula ang mukha ko at nahiya na napa-titig ng matagal sa kanya.
Oo sige tara na. sabi ko naman na medyo namumula pa rin.
Let’s go then.
Tumango na lang ako.
At sabay kaming nag-lakad ni Zeon sa hallway, di ko nga alam kung nanaginip lang ako pero dahil ang sarap ng pakiramdam na makusap siya at kasabay siyang mag-lakad parang nasa alapaap ako.
Habang mag-kasama kami nag-uusap kami ng kung ano ano. Nag-papatawa siya at tumatawa naman ako. Para bang nasa getting to know you stage kami.
Tumigil kaming sandali sa may bench sa may garden ng school at naupo.
Ah! Eh! tol pwede ba akong mag-tanong sayo?
S-sige. sabi ko na nauutal at kinakabahan na naman.
Ah may girlfriend ka na ba? tanong niya.
Itutuloy…..
Labels:
Love Story
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment