Popular Posts
-
Hi to everyone haha tagal ko na di nagkwekwento sa inyo kwento ko naman nangyari samin ni kuya sammy di nya tunay na name,, last 4...
-
Magandang araw sa lahat ng mga tagasubaybay sa site na ito. Hindi ako magaling magsulat kaya pagpasensyahan nyo na po tong kwento ko. ...
-
Init agad ang naramdaman ko paggising ko kaninang umaga,. Masyadong maalinsangan ang paligid. Hindi ko alam kung dahil sa panahon gayon...
-
Good day, matagal na akong nagbabasa ng mga blog sa site na to, and I find it interesting pangtagal ng bored sa buhay. and I think is t...
-
Graduation day noon ni Nico ng magkaroon ng medyo malaking handaan sa kanilang bahay. Graduate na siya ng kusrong commerce at tuwang-tuwa an...
-
Ako ay ipinanganak, nagkaisip at lumaki sa isang probinsya sa Norte. Doon na nag-aral at nakapagtrabaho. Masyado akong tahimik na tao pero m...
-
Matagal na rin nung mahiligan kong magbasa ng isang babasahing maraming mahahalay na kwento..halos sa araw-araw bago ako pumasok sa trabaho...
-
May the peace of the Lord be with you… Go in love and peace and serve the Lord… Thanks be to God! Natapos na din ang Misa. Isang ma...
-
19 years old ako noon, 2nd year college, nang mapag-desisyunan kong sumali sa isang organization sa college namin. Nakumbinse akong sumali ...
-
hello sa lhat ng mga readers. ako nga pala si Johnny, 22yrs old, hindi ko sasabihin na gwapo ako tulad ng ibang mga ngkukwento na mxadong O...
Blogger news
Blogroll
online
Readers
About
Bi- Love Stories. Powered by Blogger.
Thursday, October 18, 2012
“Ano bang pinagsasabi mo dyan? Wala akong masamang ginagawa kay Sam. At wala sa intensyon ko na gawin iyon kay Sam.” ang sabi naman ni Edward.
“Kilala kita Edward. Noon pa man hindi mo kayang ituwid ang buhay mo. Kaya ka iniwan ng asawa mo. You are so immature. You can not stand with your own feet. Lagi kang naghahanap ng aakay sa iyo kapag lugmok ka na sa problema.” ang dagdag pa ni Lance.
“Kuya Lance sumusobra na ang panghahamak mo sa akin. Noon maaari kong tanggapin ang mga sinasabi mo. Ibahin mo na ako ngayon. Wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan. Wala kang alam sa mga napagdaanan ko sa buhay. Kung ano man ang nalaman mo noon ay nakaraan na yun. Iba na ang Edward na kaharap mo ngayon.” ang pagtatanggol sa sarili ni Edward.
“Basta ang nasisigurado ko lamang ay ang pera lamang ni Sam ang habol mo. Nalaman mo na nag-iisang anak sya at for sure sa kanya lamang mapupunta ang mga naipundar ng kanyang mga magulang.” ang sabi pa ni Lance.
Nakahalata si Emily na parang nagtatalo ang magbayaw sa kanilang garahe. Kaya naman naisipan niyang lumabas ng bahay ay magtungo sa kinaroroonan ng magbayaw.
“What's wrong honey? Parang nagtatalo na kayo.” ang tanong ni Emily.
“Wala ate. Nabentahan ko daw ng defective spare parts yung isang ka-opisina ni kuya. Eh hindi naman pinakabit sa shop namin yun. Sarili niyang mekaniko ang ginamit nya. So wala kaming liability kung nasira ito ng mekaniko sa pagkakabit.” ang palusot na lamang ni Edward.
“Ganoon ba honey. Sabihan mo ang ka-opisina na sa susunod hayaan na lang sina Edward ang mag-asikaso ng ipapaayos nyang sasakyan. Pero Edward, baka naman pwede mo bigyan ng consideration. Tutal officemate naman ng kuya mo yun.” ang sabi naman ni Emily.
“Sige ate. Oh kuya, pabalikin mo na lang officemate mo. Ako ng bahala sa partner ko. Baka maihirit ko din na mapapalitan ng supplier namin iyon.” ang sabi ni Edward.
Nanahimik na lamang si Edward. Kahit pilit niyang tinatago ang galit sa bayaw ay halata pa din iyon ni Emily.
“Ikaw naman honey, yun lang naman pala ang problem. Wag na kayong magtalo pa. Payag na si Edward.” ang dugtong pa ni Emily.
“Sige, sasabihan ko officemate ko bukas.” ang sabi na lamang ni Edward.
Agad din pumasok si Edward sa loob ng bahay. Si Emily naman ay niyaya ang kapatid na pumasok din upang makapaghapunan na sila. Tumanggi si Edward at sinabing may dinner meeting pa sya sa isang client nya. Hindi naman na sya napilit ni Emily. Agad na din lumisan si Edward.
Makalipas ng ilang araw ay muling nagkausap sina Sam at Edward ng makasundo silang mag-jogging isang umaga sa The Fort.
“Tama ka nga Sam. My brother in law is acting so weird lately. Ang dami na nyang binibintang sa akin. Masasakit na ang mga nabitiwan niyang salita sa akin.” ang bungad ni Edward.
“Siguro lilipas din yan. Soon marerealize nya kung ano ang tama para sa aming dalawa. He's also trying to talk to me again lately. Pero sabi ko nga na mas mabuti pa siguro na huwag muna kami magkita. You know, I love your brother in law. Kaya lang sobra na akong guilty sa ate mo. Sa tuwing magkakaharap kami ay labis-labis ang aking pagpapanggap na ayos lang ako at walang itinatagong lihim sa kanya.” ang nabanggit naman ni Sam.
“Minsan nga naisip ko na ipagtapat na kay ate ang nalalaman ko. Pero ikaw din ang iniisip ko. Then kapag nalaman nya yun, pati ako damay na din sa gulo. Napaka-complicated ng situation natin sa ngayon.” ang dagdag naman ni Edward.
“Sana nga matapos na itong paghihirap natin.” ang hiling ni Sam.
“I hope so. Pero hindi nangangahulugan na wala na tayong karapatang humanap pa ng makakapagpaligaya sa atin.” ang sabi ni Edward.
“Oo naman.” ang pagsang-ayon ni Sam.
“Pwede bang maging tayo na lang?” ang tanong ni Edward.
“Ano ka ba Edward. Baka mas lalong lumala ang situation kapag magiging tayo na dalawa.” ang sabi ni Sam.
“Gusto ko sana patunayan kay bayaw na mahal na mahal kita. At hindi kita gagamitin lamang para sa personal kong ambisyon sa buhay. Dahil kasama ka sa lahat ng pangarap ko at sa lahat ng gusto kong marating sa buhay.” ang pagpupumilit ni Edward.
“Pero baka mas lalong gumulo ang sitwasyo. Di natin alam kung ano pa ang kayang gawin ni Lance.” ang pag-aalinlangan ni Sam.
“Ako ng bahala kay bayaw. Alam ko na mahal niya ang pamilya niya at hindi siya gagawa ng ikasisira niya sa kanyang pamilya.” ang pangako ni Edward.
“Parang mahirap Edward.” ang maikling nabanggit ni Sam.
“Mahirap pero kakayanin natin yun. Huwag kang mag-alala.” ang sabi ni Edward.
Biglang napayakap si Edward kay Sam. Himigpit din ang pagkakayap ni Sam kay Edward. Tanda iyon ng pagsang-ayon ni Sam sa nais mangyari ni Edward. Bumitaw lang sila sa yakapan ng mapansin nila na pinagtitinginan na sila ng mga taong nag-jojogging din sa lugar.
Simula ng araw na iyon ay nanirahan na din sa condo unit ni Edward si Sam. Bago nilisan ni Sam ang kanilang bahay ay humingi muna sya ng pahitulot sa kanyang mga magulang. Suportado naman siya ng kanyang mga magulang sa kanyang naging desisyon. Naging masaya ang dalawa sa unang Linggo ng kanilang pagsasama.
Isang gabi, nag-set ng dinner nila ni Sam si Edward. Hindi ipinaalam ni Edward kay Sam na kasama sa dinner sina Lance at Emily. Kaya nabigla si Sam ng dumating ang mag-asawa sa kanilang dinner.
“Mukhang the best of friends na din kayo ng kapatid ko.” ang unang nabanggit ni Emily ng makalapit na sila sa table nina Sam at Edward at habang kinakamayan si Sam.
“Oo naman mare.” ang nabanggit na lamang ni Sam.
“Hi pare.” ang bati naman ni Sam kay Lance sabay abot ng kamay nito.
“Ayos lang pare. Long time no see, pare.” ang sabi naman ni Lance.
“Sige, order muna tayo na makakain natin. Then later ko na sasabihin what's this dinner is all about.” ang sabi naman ni Lance.
“Oo nga. Sabi mo meron kang sasabihing magandang nangyari sa buhay mo. Sa business mo ba yan?” ang tanong naman ni Emily.
“Mamaya na ate. Let's have dinner first.” ang sabi naman ni Lance.
Nag-order sila ng dinner. Habang naghihintay sa pag-serve ng order nila ay nagkwentuhan muna sila. Normal naman si Lance sa kanyang pakikipag-usap kina Edward at Sam. Paminsan-minsan pa nga ay nakikisama sa tawanan si Lance. Tila wala na kay Lance ang poot na dating ipinadama niya sa bayaw.
-ITUTULOY-
Labels:
Episodic
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment