Popular Posts

Skype Me™!

Blogroll

online Readers

About




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Bi- Love Stories. Powered by Blogger.

Maraming-maraming Salamat po sa pagsuporta at pagtangkilik

sa aking mga kwento. Sana po ay magustuhan ninyo.

Skype Me™!

Monday, October 15, 2012
“nasaan ang tatay mo..??” 
“kasama po ni jun jun sa balkonahe… inay… malamang nag kwekwentuhan na naman ung dlawa na un…?”
“ang tatay mo tlaga oh….”
- - - - - -- - - - -- -- -- - - - -- - - - - - - - -- - - - - - - - - --- -- -- 
isang malakas na suntok ang inabot ni eric mula sa kanyang ama….. natural lng iyon… sino ba naman ang hindi magagalit sa pag amin na ginawa ni eric….. 
“tay…. Ganito ako… tanggapin nyo sana kung ano ako….” Pahagulgol na sabi ni eric… 
muli ay isang malakas na suntok ang inabot nya matapos bitiwan ang salitang iyon…. Walang magawa ang ina ni eric kundi ang imiyak sa isang tabi…. Sa isang sulok at panoorin ang kahabag habag na katayuan ng kanyang anak….
Lumabas ang ama ni eric…. Galit na galit…. Kulang na nga lang ay atakihin na sa puso… natural lng iyon…. Panganay kasi sa apat na magkakapatid si eric eh…. Nag iisang lalaki pa man din…. Ang tanging lalaki na magpapatuloy sa lahi ng mga ORTIZ…. Masakit isipin para sa isang Ama ang ganuon…. 
“anak… nauunawaan kita… patawarin mo sana ang iyong ama…. “
“opo inay… naiintindihan ko siya… lilipas din ang galit nun sa akin…”
“sana nga anak…. Sana nga…”
mahigpit na nag akap ang mag-ina… isang damdamin ng pagtanggap… isang damdamin ng pagsuporta…. 
“anak… wag mo na lng munang sabihin sa tatay mo ang relasyon mo kay greg… natatakot ako sa magiging reaksyon niya… “
“nay… aalis na ako ng bahay…. Sasama ako kay greg sa Romblon… duon muna kami… hanggang sa humupa ang galit ni Ama…”
masakit man ang naging desisyon ni eric na iwan ang kanyang ina…. Nagpakatatag siya sa kanyang napiling landas… umaasa na may magandang kahihinatnan ang napiling desisyon… umaasa sa katuparan ng kanyang mga pangarap… ang mamuhay ng masaya sa piling ng kanyang mahal na lalaki… si greg…
ganuon nga ang nangyari…. Palihim na umalis si greg at iniwan ang kanyang buhay sa lungsod upang tahakin ang landas na napili…. Na ngako naman ang kanyang ina na siya na daw ang bahalang mag paliwanag sa kanyang Ama…. 
“eric… mahal na mahal kita … “ sabay halik sa noo ni eric… 
“mahal din kita greg… at wala akong pagsisi sa mga naging desisyon ko…”
unti unti namang natutupad ang mga pangarap ni eric… matinong tao si greg… mapagmahal… ma asikaso… at ang lahat ng iyon ay sinusuklian naman ni eric ng mas higit pa na pagmamahal… pagmamahal na pinag iiabyo bawat araw… puno ng tamis at tiwala… 
pero may kulang….
Araw araw pagkagising nila sa umaga… tanging dalangin nila sa diyos ay ang mabiyayaan sila ng anak… isang anak na mamahalin… aarugain…. Pareho nilang alam na imposible…. Pero pareho rin silang nananalig…. Naniniwala na nandiyan ang diyos at nakikinig….
Marahil ay totoo nga…. Marahil ay meron ngang diyos….
Isang gabing papa uwi ang magasawa ay may narinig silang iyak ng isang bata…. Sinundan nila ang pinanggagalinganng iyak… 
Isa sanggol… nakita nila iyon sa ilalim ng punong acacia… isang sanggol na sabik na sabik nilang binuhat …
“greg… may sulat ohh…”
“mahalin nyo sana ang anak ko na para tunay na ninyong anak… pakiusap… “
“eric… narinig ng diyos ang dalangin natin… narinig niya tayo…!!!” mga salitang punong puno ng pagkasabik…. Sa wakas… ang katuparan ng mga pangarap ni eric…. Buo na rin sa wakas…
ilang taon na rin ang lumipas…. Punong puno ng pagmamahal ang bahay… mga tawa at paglalambingan… may hirap …oo…. Pero magkatuwang nilang nilampasan lahat ng iyon…. 
“putok sa buho!!!! Kawawa k naman… walang ina… hahahhaa!!!!!”
“oo nga… hahaha…. Putok!!! Putok!!!… baka naman ampon niyan…!!! Hahaha… tapos pareho pang lalaki ang mga magulang… hahaha… kawawa k naman..”
limang taon na si Mhon… naging malupit sa kanya ang mga tao… walng araw na lumipas na hindi sya nakakantiyawan ng mga kamag aral…. Pati ata mga tsismosa sa tindahan ni aling bebang eh hindi siya pinapalampas… ng walang pang aasar na ginagawa… 
masama….
Masamang masama ang loob ni Mhon… pero nd na lng niya iyon pinakita sa kanyang mga magulang… kinimkim niya lahat ng mga pangangantiyaw sa kanya… 
At ngayon….. kinse anyos na siya… marami ng alam sa buhay… marami ng alam sa mundong ginagalawan… inom… alak… sigarilyo… lahat ng ito ay natikman na ni Mhon… 
Galit siya… galit na galit… nd niya alam kung kanino pero ang alam niya galit sa kanyang mga magulang….
“putang inang buhay to ohh… hik…hik… ni hindo man lang alam kung sino ang tunay kong magulang… tapos… mga bakla pa ang mga kasakasama ko sa bahay…hik..”
“pare…hik..hik… naiintindihan kita… kaya nga ako…hik..hik… galit ako sa pautang inang mag bakla na iyan eh…hik….wala silang mga gawang mabuti sa mundo...”
“sabi ko naman sa iyo eh… hik..hik… lumayas ka na sa bahy mo… pabayaan mo na ang mga baklang iyon..hik..hik.. kaya mo na naman magisa eh… hik…”
lasing na umuwi ng bahay si Mhon ng gabing iyon… 
“putang ino nyo… greg…. Eric….hik..hik… Mga immoral kayo…hik..hik… bakit nyo pa ako pinulot… saan nyo ba ako nakita… hik..hikk… galit ako sa inyo..”
“anak tama na…. Lasing ka… magpahinga ka muna…” malumanay na sabi ni greg…
“anak… bukas na lng natin pagusapan ito…” awa sa anak ang nraramdaman ni eric… pagsisisi…. Galit sa sarili… 
“ikaw greg… hik.. wag mo akong tinatawag na anak… hik… nd kita ama… ikaw din eric… mga hayup.. mga lalaki kayo…hik..hik.. nd nagkaka anak ang lalaki sa lalaki…hik..hik..”
parang sinaksak ng kung anong matalim bagay ang puso ng dalawa… para silang mga pipi na nanonood at nakikinig sa bawat salita ng kanilang anak… anak na minahal at inaruga…. Ang anak na nagbigay katuparan ng kanilang mga dasal… ng kanilang mga pangarap… sa loob ng labin limang taon….
Nakatulog na rin si Mhon…. Marahil ay sa sobrang kalasingan… marahil sa sobrang galit at matinding emosyon na ngayon lng niya inilabas… mga emosyon na kinimkim niya mula pa ng siyay limang taon p lamang…..
Walang tigil ang pag agos ng luha ni eric…. Umuungol na parang isang bata na nagpapanggap na matatag… 
“natural lng iyon… natural lng na magalit sa atin ang ating anak… lilipas din ang galit niya…” 
nag akap ang dalawa… na para bang malalampasan nila ito ng magkasama… palagi naman eh… 
“greg… pangako mo sa akin na hindi natin pababayaan si Mhon… anak natin sya… bigay siya sa atin ng diyos… “
“oo…eric… pangako…”
--- - - - - - - 
“mhon … umaga na… bumangon k na jan at nang makakain na tayo…”
“ahh… sakit na ulo ko…”
“anak… inumin mo muna itong kape habang maiinit pa…” mga salitang puno pa rin ng pagmamahal sa kabila ng lahat…. 
Walang imik si Mhon…. Nag iisip… kinabig niya ang kape na inaalok sa kanya ni greg… tumayo at kinuha ang bag… dala-dala ang mga damit at mabilis na umalis… ayaw niyang makita ang kanyang mga kinagisnan na magulang….
“anak… saan k pupunta… bumalik ka dito….” Sigaw ni eric… sigw na may pangamba…. Pangamba na baka nd na niya muli pang makita si Mhon….
“hindi niyo ako anak!!!…. putang ina..!!!!”
sinubukan siyang habulin ni greg… subalit sadyang iba ang bilis ng kabataan… 
nd na niya ito naabutan pa….
“aling bebang…. May kilala p ba kayo na tiga maynila na maari kung tuluyan…”
“hah… a… e… meron… ito ang address… hanapin mo si Mario Ortiz….”
“salamat ho…” sabay karipas ng takbo… papunta sa lugar na nd niya alam…. Sa taong nagngangalang mario ortiz…
“tok tok tok…. Tao po…. Mang mario…”
“sino ka… anong kailangan mo…” pasigaw na tanong ni Mario….
“haa… a ..e … ako po so Mhon…. Mhon Ortiz… galing po ako ng Romblon… dito raw po ako mag punta sabi ni aling bebang…”
“bebang na kamo…” sabat ng isang matandang babae sa likuran…. Uugod-ugod siyang lumapit sa akin at sinabing…”halika tumuloy ka….”
“Anna… sino ba iyan…??”
binulungan siya ng matandang babae na para bang takot na takot na baka marinig ng binatilyong si Mhon…
“ganun ba..??.. sige iho pasok ka…”
litong lito si Mhon sa nangyayari… parng kanina lang galit na galit sa kanya ang matandang si Mario… pero ngayon… iho pa ang tawag sa kanya… anu ba ito… bakit naman kc dito pa ako pinapunta ni aling bebang…
“ahh… iho anu ba ang pangalan ng tatay mo….??” Tanong sa akin ni Mario
“ha.. a ..e… wala po akong Ama…”
“iho… wag kang matakot… mahal ka nila… sa kabila ng katayuan nila… sa kabila ng natuklasan mo… mahal na mahal ka nila…”
“ho..??!!” anu ba meron dito… kung magsalita itong dalawa na ito eh.. para bang kilalang kilala nila ako…
“kami ang mga magulang ni eric… eric Ortiz… ang iyong kinagisnang Ama…”
tatayo sana si mhon at aalis na… pero may salitang pumigil sa akin… mga salitang hinila ang pusot isip niya pabalik….
“tatakbo ka na lng ba? Iiwasan mo n lng ba ang lahat ng problema na darating sa iyo… walng-wala ka pala sa anak kong si eric…?”
napaihinto ako… para akong na pako sa pagkakatayo ko… mabilis ang tibok ng puso ko… para bang hinihintay ang susunod pang mga sasbihin ng dalawang matanda na ito…
“alam mo ba na ikaw…. Ikaw ang kabuuan ng mga pangarap ng magulang mo…”
parang gustong umiyak ni Mhon sa binanggit sa kanya ng kanyang Lolo… pero pilit niyang pinigil amg pagpatak ng luha … nanatili lang siyang nakatayo… nd niya alam kung ano ang pumupigil sa kanya… nakatayo lng … nakikinig..
kinuwento lahat sa kanya ni Mario ang istorya ng kanyang mga magulang… kung pano nila ipinaglaban ang kanilang nararamdaman sa isat’isa…. Sa kabila ng lahat ng pag pipigil ng kanilang sosyalidad…. Pati na rin ang realidad na homosexual sila….
Hanggang sa dumating sa punto na pagbuhatan si eric ng kamay ng kanyang lolo… at mapilitang lisanin ang kanyang mga tunay na magulang….
Hindi rin pala naging madali para sa kanila ng kupkupin si Mhon…. Maraming pala silang hirap na napagdaanan…. Isa na dun ang simbahan…. Simbahan na dapat sana ay siyang una nilang lalapitan… mga malalamig na pagtanggap sa kanila ng mga tao…. Gaya ni Mhon… nung bata pa siya… puno rin ng panlalait….
Pero lahat ng iyon…. Tiniis nila … hindi para sa kanila…. Kundi para kay Mhon… kay Mhon…
“Ang sama ko…. “ tanging salitang lumabas sa bibig ni Mhon… puno ng pagsisi
“Ang sama –sama ko…. Bakit ko sila nagawang itakwil…. “
Parng muli ay binuksan ng mga katotohanang iyon ang damdamin ni Mhon para sa kanyang mga magulang…. 
“aalis na ko…. Babalikan ko sila…. “
“sila ang mga magulang ko… sila lamang..” 
ganuon nga ang nangyari… bumalik si Mhon sa Romblon… umuwi at niyakap niya sila greg at eric… mga yakap na punong puno ng pagmamahal… ang sarap… kay sarap….
“tatay eric… tatay greg… mahal na mahal ko kayo…”
“kami din anak…. Kung alam mo lng mo lang sana kung gaano ka namin kamahal….”
Napangiti si Mhon…”alam ko tatay…. Alam ko…”
Kay bilis ng panahon…. Mga taon n puno ng saya…. Ikakasal na si Mhon kay Marina… ang babaeng pinakamamahal niya…. 
Nagkapatawaran na rin ang mag amang si eric at Mario… muli ay nagbalik na ang lahat sa dati….
At ngyon… may anak na sila Mhon at Marina …. May apo na sina greg at eric…. Parng kay bilis… parang kailan lang eh… naglayas pa si eric sa bahay… pero ngayon…. Natupad na lahat…. Lahat lahat ng mga pangarap niya….
Sabay sa paglipas ng panahon…. Ang pagtanda nila eric at geg… kinuha na si greg…. Pero alam nila na masaya siya sa lugar niya ngyon…. 
ano kaya ang meron sa pagitan ni greg at eric… dahil makalipas ang ilang araw ay sumunod na rin si eric kay greg…. Marahil ay pag-ibig….. nakakalungkot… pero masaya…. Alam ni Mhon na darating din un sa buhay niya…. 
“Lolo..!?!?… totoo ba yan????”
“gawa-gawa mo lang ata iyan eh…..”
“RAMHON!!!!… anu ba!!! Kanina ko pa kayo tinatawag eh…. Kakain na tayo…!!!”
“junjun… halika na….tawag na tayo at nagagalit na ang Lola Marina mo…”

0 comments: