Popular Posts

Skype Me™!

Blogroll

online Readers

About




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Bi- Love Stories. Powered by Blogger.

Maraming-maraming Salamat po sa pagsuporta at pagtangkilik

sa aking mga kwento. Sana po ay magustuhan ninyo.

Skype Me™!

Tuesday, October 16, 2012
Sa may Principal’s Office…..
At nanlaki nga ang mga mata ko nung nalaman ko na hindi lang pala ako ang na-late, dahil na late din si Yuri at katabi pa niya si Zeon sa kanan. Mukang iritable si Yuri noon dahil hindi niya pinapansin si Zeon at iniirap irapan pa nito si Zeon. Si Zeon naman ay parang batang inosente na pangiti-ngiti kay Yuri. Deadma lang si Yuri. At ngayon ko lang nakita si Eun Yuri Hyeon na nalate sa buong buhay ko dahil kahit minsan dila talaga nag-papalate yan at napaka punctual kahit na sa lakad ng barkada dahil sabi pa nga  niya “I don’t like waiting that’s why I don’t like other people to be kept waiting for too long.” Talaga namang di ako makapaniwala na na-late siya ngayon. At di ko pa nga alam kung matatawa ako dahil na-late si Yuri o maiirita dahil nag-paparamdam na si Zeon na may gusto ito kay Yuri. Ah, basta ang gulo ng nadarama ko parang tinamaan na talaga ako kay Zeon. Na-love at first sight kumbaga, sino ba namang hindi? eh ngiti pa lang nitong si Zeon eh pamatay na at makalaglag brief at panty. Super cute talaga niyang ngumiti promise.
Medyo nakaramdam din ako ng selos ng makita ko silang dalawa na mag-kasama dahil pag tinitigan silang dalawa ay sobrang bagay sila sa isa’t isa dahil napakagandang babae nitong si Yuri samantalang napaka-gwapo naman nitong si Zeon bagay na bagay sila bulong ko sa sarili ko.
At palagay ko nga rin sinadya talaga nitong si Zeon na sumabay kay Yuri mag-paadmit sa office dahil pupormahan niya na ata si Yuri. Dumadmoves na itong si Zeon at gumagawa na ng paraan para mas mapalapit ang loob kay Yuri. Napa buntong hininga na lang ako.
Hey Rio! pambungad ni Zeon ng mapansin niya na napatulala na naman ako sa kanya. Lagi kaya akong na me-mesmerize pag nakikita o naririnig siya.
Nag-roll lang ng eyes si Yuri na halatang iritable at nakapamewang pa.
Nahimasmasan naman ako at sinabing na-late din pala kayo?
Ay hindi, hindi nakatambay lang kami. sarcastic na sagot ni Yuri.
Hehe pilit na tawa ni Zeon.
Hehe medyo pilit na tawa ko na rin sabay tanong bat nga pala na-late kayo?
La Trip Trip lang gusto ko lang mag-palate dahil alam kong ma-lalate ka ngayon, sinabayan lang kita. sabi naman ni Yuri na sarcastic pa rin ang tono.
Di kasi ako nagising ng maaga kanina kaya late ako sabi ni Zeon.
Natawa naman ako sa sagot ni Yuri dahil halatang galit dahil late siya, pero napaisip naman ako ng malalim kung bakit di nagising ng maaga itong si Zeon na naging sanhi ng kanyang pag-kalate, dahil kaya yun sa pag-uusap namin o dahil kaya yun sa kakaisip niya kay Yuri na sinasabi niyang gusto niya na dahil na-love at first sight dito. Ano kaya ang dahilan ang bumabagabag sa isip ko?
O, ikaw mister Villegas bat ka na-late? pangaasar na tono ni Yuri.
Di po ako nakatulog na MAAGA Mrs. Hyeon. pag-emphasize ko sa salitang maaga para marinig ni Zeon.
Napangiti naman si Zeon ng bahagya.
Mrs. ka jan Ms. pa lang ako no Rio, dalagang dalaga pa haha sabi ni Yuri.
O ano pa-admit na tayo? panganyaya ko.
OO tara na kanina pa tayo nag-chichikahan dito oh nag-hihintay na mga admission slips natin. mataray na sabi ni Yuri.
Well let’s go then. dagdag naman ni Zeon.
Kinuha nga namin ang mga slips at nag-madaling pumasok sa klase.
Pag-kadating namin sa classroom lahat ay napatigil at nakatitig sa aming tatlo paano ba naman kaming tatlo ay popular sa school at kahangahanga din ang aming pisikal na kaanyuan. Ang iba ay nag-bubulungan, ang iba ay halatang kinikilig, at ang iba naman ay napapangiti noong makita kaming tatlo na mag-kakasama. Ibinigay na namin ang aming admission slip sa guro namin at naglakad na patungo sa upuan namin. Si Yuri as usual nag-lakad pa rin na parang model, si Zeon naman ay nag-lakad na din patungo sa upuan, at ako naman ay nakayukong nag-lakad papunta sa aking upuan dahil nahihiya ako sa dami ng mata nakatingin sa akin.
At nag-simula na nga ang klase sa araw na iyon. Nag-kakatinginan din kami ni Zeon at minsan ngumingiti sa isa’t isa, di ko nga alam kung ako ba yung tinitingnan niya o si Yuri pero pag nagkasalubong na ang aming mga titig ibang kilig ang aking nadarama, bumibilis ang tibok ng puso ko at tila sasabog na ito sa sobrang bilis. Si Yuri naman ay focused sa pag-aaral palibhasa ay nasa honors student kaya may pinag-iibayo pa niya na makakuha ng mataas na grade, mataas din kasi ang expectations ng mommy niya sa kanya at dahil iniwan na din sila ng koreano niyang ama natuto siyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Talaga namang napakasipag, napakaresponsable, at maasahan itong si Yuri kaya nga sobrang pag-tataka ko noong na-late yan kaninang umaga. Ganoon lang ang routine ng buong umaga hangang sa mag-lunch na.
Ahh! Finally its lunch! sigaw ni Yuri.
Napatingin lang ako sa kanya parang puyat din ito, bakit kaya? tanong ko sa sarili ko.
Umm.. Rio care to join me for lunch? panganyaya niya.
Sure, basta libre mo hehe sabi ko sa kanya.
Hmmp! ikaw talaga, mas mayaman ka nga sa akin eh ikaw pa tong nag-papalibre.
Di rin kayo nga itong mas mayaman at di mo pedeng ikaila yun dahil my business kayo sa Korea.
K. Fine. Whatever. I’m hungry na. Let’s eat na.
Tara na!! sabi ko naman.
At bago kami umalis hinanap ko si Zeon sa classroom pero wala na ito doon nakalabas na.
Noong nasa canteen na kami ni Yuri ako na lang ang nanglibre sa kanya ng Pizza at Burger with gulaman. Matakaw din kasi itong si Yuri di lang halata dahil laging nag-eexercise kaya fit ang katawan. Ako naman di na kumain dahil busog pa ako at di talaga ako makakain dahil iniisip ko pa rin si Zeon at di siya matangal sa aking isipan. Kaya si Yuri na lang ang kumain habang ako ay nag-drodrawing sa sketch pad ko. Nang biglang:
Hi! Babe! pabulong na sabi ni Vince.Si Vincent Victorio ang kasintahan ni Yuri.
Si Vincent Victorio ay isa rin sa mga heartthrob sa school dahil gwapo rin ito half spanish kasi si Vince kaya kitang kita ang kakisigan nito. Matangkad at moreno itong si Vince, na type na type naman nitong si Yuri. Medyo matagal na rin relasyon nila ni Yuri halos mag-iisang taon na din. Kagaya nga ng sabi ni Yuri varsity ng basketball team itong si Vince kaya naman mas lalo ang nahuhumaling dito kay Vince. Akala mo maamong tupa itong si Vince pero hindi medyo may pag-ka bully pa nga ito kaya iniiwasan ko palibhasa ay popular at anak mayaman kaya walang kinatatakutan.
Hi Babe. ang mahina ring tugon naman ni Yuri. Have you eaten your lunch dugtong pa niya.
Nope. Ayoko busog pa ako nag-didiet ako dahil malapit na rin ang game ng school kaya dapat fit ang katawan ko. sabi naman ni Vince.
Ok if you say so babe mahinang tugon ni Yuri.
Nag-usap din sila ng medyo matagal at kahit patago lamang pinapakita nila ang sweetness nila sa isa’t isa. OO patago lang sila kung mag-lambingan pero parang lalangamin na sila. Ganun ang eksena nila noong lunch. At binabati at kinakausap din naman ako nitong si Vince. Pero parang OP talaga ako sa kanila kasi kahit parang mag-kaibigan lang sila sa mga mata ng ibang tao ay alam ko namang mag-karelasyon sila.
Matapos ang ilang minuto.
So I’ll go ahead na Babe later sabay tayo umuwi may meeting pa ngayon ang basketball club, kaya mauna na ako enjoy your meal. Love you Babe.
Love you too babe, siguraduhin mo lang sabay tayo mamaya ah. sabi ni Yuri.
Yah! tugon ni Vince habang nag-lalakad papalayo.
Para pakiramdam ko talaga na OP ako sa kanilang dalawa eh kaya kunwari nag-drodrawing pa rin ako. Habang kumakain naman si Yuri nakita ko naman si Zeon na di kalayuan sa amin kasama ang kanyang mga kaibigan mga kabarkada, medyo malungkot ito at napayuko na lang noong makita akong nakatingin sa kanya. At bigla na lang ito umalis kasama ang mga kaibigan nito.
At napaisip naman ako bigla kung bakit parang naging matamlay na lang si Zeon at yumuko nung nakita niyang nakatingin ako sa kanya. Hindi kaya naramdaman niya na si Yuri at Vince ay magkarelasyon? OO yun nga yun sabi ko sa sarili ko, hindi nga niya alam na may BF na pala itong si Yuri at wala naman akong lakas ng loob upang sabihin sa kanya yun dahil sabi nga ni Yuri na Private at Secret lang ang relasyon nila ni Vince kaya nga mga close friends lang ang nakakaalam tungkol dun at talaga naman na wala pa si Zeon kaalam alam dun maliban ngayon dahil sigurado ako alam na niya ang buong katotohanan at sigurado nasaktan siya.
Bakit kaya ganoon na lang katindi ang pagmamahal niya kay Yuri eh kakakilala pa lang niya dito? ganun ba kalakas ang power ng Love at First Sight? mahinang bulong ko sa sarili ko.
Huh? what did you said. sabi ni Yuri na medyo may laman pa ang bibig.
Narinig pala niya yung bulong ko. Ah eh wala naman akong sinabi. pag-alibi ko sa kanya.
Anong wala I’ve heard you talk just a while ago.
Di ah!
Liar Liar pants on Fire ka talaga. Rio. pangaasar ni Yuri.
Wala nga may iniisip lang ako.
Then what are you thinking, mind to share it with your bestfriend?
Nope. I don’t like. Talaga to oh kumain ka na nga lang jan ginagambala mo tong pag-drodrawing ko eh.
K. Fine. Mr Damot. Hmmp. sumimangot si Yuri at kumagat ng Burger.
Hehe! tumawa na lang ako.
Pero sa loob loob ko ay matinding selos na din ang aking nadama dahil nakita ko kung paano magselos si Zeon ng maramdaman niyang may intimate relationship itong si Yuri at Vince. Parang sobrang inggit ang nadarama ko kay Yuri dahil nakita ko kung gaano siya kamahal ni Zeon. Ouch ang sakit sabi ko sa sarili ko.
Tapos na ang Lunch at bumalik na kami sa classroom. Ganun pa rin ang eksena sa loob, puro aral, tawanan, kulitan at kung ano ano pa sobrang ingay nga sa classroom eh pero tahimik si Zeon at parang may iniisip, samantalang si Yuri naman ay nakikipagbiruan paminsan minsan pero talagang focused pa rin ito sa kanyang studies.
Dismissal na at nauna ng lumabas si Yuri at nag-paalam sa akin na sabay daw sila ni Vince uuwi. Ok na lang ang nasabi ko. Alam ko namang kasi na ngayon lang ulit sila mag-kakasama ng matagal dahil lagi silang nagtatago ng kanilang relasyon.
Noong nakalabas na ng room si Yuri. Pinuntahan ko naman si Zeon, nag-lakas na ako ng loob para makausap siya.
Sup! Zeon! pambungad ko.
Uh! Ayos lang naman. Sabay bitaw ng pilit na ngiti.
Ah. Uuwi ka na ba? tanong ko.
Di pa naman. Gusto mo sabay na tayo? panganyaya niya.
Sige! abot tenga naman ang ngiti ko.
At sabay nga kami ni Zeon umalis ng room at nag-lakad sa hallway. Pakiramdam ko ulit ay nasa alapaap na ako nung mag-kasama kami. Nag-usap din kami sa mga bagay na kung ano ano, pero nagtataka ako bat di siya nag-tanong ng tungkol kay Yuri, nag-give up na kaya siya ang sabi ko sa sarili ko. Makalipas ang halos mag-iisang oras na pag-tambay namin kung saan saan sa campus lalon naman nahulog ang loob ko sa kanya at pakiramdam ko ay ligtas ako pag-kasama ko siya. Ang sarap niyang kausap, palabiro at ang daming kwento.
Ah! Tol! hatid na kita sa inyo san ba bahay niyo? panganyaya niya sa akin. Tuwang tuwa naman ako na ihahatid daw niya ako, sobrang kilig ang aking nadarama sa loob loob ko.
Ah uuwi na tayo ang aga pa naman ah. tugon ko.(pa demure effect)
Mag-6 na oh saka mukang uulan na kailangan makauwi na tayo.
Ah sabagay may punto ka. Sige uuwi na ako wag mo na ako ihatid nakakahiya naman sayo.(pakipot effect)
Di. Ayos lang tol! tara na hatid na kita.
Ayos lang ba talaga sayo? baka nakakahiya naman.(pakipot effect ko uli)
Di ayos lang talaga. Tara na mukang uulan na.
At sabay nga kami lumabas ng campus. At nag-lakad papauwi ng bahay, mas masarap kaya mag-lakad kasi mas matagal ko siyang makakasama. Kahit medyo malayo pa ang bahay namin ok lang kasi kasama ko naman si Zeon.
Habang nag-lalakad kami nag-kwentuhan pa rin kami, kulitan, biruan at kung ano ano pa. Pakiramdam ko nga habang nag-lalakad kami pauwi ay para kaming mag-kasinthan, sweet namin sa isa’t isa eh. Patuloy pa rin ang masayang eksena na iyon nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Dali dali kami tumakbo sa may waiting shed at doon nag-patila ng ulan. Sobrang lakas talaga ng ulan at parang di na ito titigil. Habang nandun kami sa waiting shed mas lalo kong napag masdan ang mukha ni Zeon na basa, ang gwapo gwapo pa rin niya. Napatulala ulit ako sa kanya at nag-snap uli siya ng kanyang fingers at tumawa ng bahagya at inabutan ako ng towel niya. Kinuha ko naman at inamoy amoy ang towel niya ang bango ah parang di nga lalaki ang may ari eh dahil sa sobrang linis nito at bango. Napansin ko rin ang basang katawan ni Zeon, grabe sobrang nakakapag-painit ng katawan medyo bumabakat nga yung utong niya eh. Nakakalibog. Kaya tinuon ko  na lang ang atensyon ko sa ulan at ganun din siya nakatingin kami sa kalayuan hindi rin kasi kami makapagusap dahil sobrang nilalamig na ako at nanginginig at sobrang lakas pa ng ulan kaya di kami mag-kakarinigan kapag nag-usap. Nasa ganun kaming posisyon ng biglang na lang niya hinawakan ang kamay ko at…
Itutuloy…..

0 comments: