Popular Posts
-
Hi to everyone haha tagal ko na di nagkwekwento sa inyo kwento ko naman nangyari samin ni kuya sammy di nya tunay na name,, last 4...
-
Magandang araw sa lahat ng mga tagasubaybay sa site na ito. Hindi ako magaling magsulat kaya pagpasensyahan nyo na po tong kwento ko. ...
-
Init agad ang naramdaman ko paggising ko kaninang umaga,. Masyadong maalinsangan ang paligid. Hindi ko alam kung dahil sa panahon gayon...
-
Good day, matagal na akong nagbabasa ng mga blog sa site na to, and I find it interesting pangtagal ng bored sa buhay. and I think is t...
-
Graduation day noon ni Nico ng magkaroon ng medyo malaking handaan sa kanilang bahay. Graduate na siya ng kusrong commerce at tuwang-tuwa an...
-
Ako ay ipinanganak, nagkaisip at lumaki sa isang probinsya sa Norte. Doon na nag-aral at nakapagtrabaho. Masyado akong tahimik na tao pero m...
-
Matagal na rin nung mahiligan kong magbasa ng isang babasahing maraming mahahalay na kwento..halos sa araw-araw bago ako pumasok sa trabaho...
-
May the peace of the Lord be with you… Go in love and peace and serve the Lord… Thanks be to God! Natapos na din ang Misa. Isang ma...
-
19 years old ako noon, 2nd year college, nang mapag-desisyunan kong sumali sa isang organization sa college namin. Nakumbinse akong sumali ...
-
hello sa lhat ng mga readers. ako nga pala si Johnny, 22yrs old, hindi ko sasabihin na gwapo ako tulad ng ibang mga ngkukwento na mxadong O...
Blogger news
Blogroll
online
Readers
About
Bi- Love Stories. Powered by Blogger.
Tuesday, October 16, 2012
Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagtugtog ng kantang Thunder ng Boys like Girls. Habang tinutugtog ang kantang iyon para namang napako ako sa kinatatayuan ko na nakatulala lang kay Zeon, si Zeon ay ganun din nakaupo pero sa akin siya nakatingin. Palagay ko nga ay nag-papakiramdaman kami kung sino ang unang gagawa ng kilos o mag-sasalita ah basta ewan kakaiba ang pakiramdam ko noon nung magkatinginan kaming dalawa ng sobrang tagal, para bang ang mga mata namin ang nag-uusap at di na kailangan pang ibuka ang mga bibig namin. Kitang kita ko sa mata niya ang kislap, para bang “Sparks Fly” habang nagtititigan kami. Kakaiba talaga ang nadarama ko para bang sasabog na ang puso ko at gusto kumawala sa dibdib ko. Ang dami kong nadarama sa oras na iyon pero nangingibabaw ang matinding init ng aking damdamin para kay Zeon. Pagkatapos ng mahabang titigan na iyon ay yumuko siya, dun lang ako nahimasmasan na parang nawala na naman ako sa ulirat. Nanatili lang siyang nakayuko at di nagsasalita. Habang ako naman ay nag-isip ng paraan kung paano babasagin ang katahimikan na bumabalot sa kwarto gawa ng hindi kami nag-iimikan. At may bigla akong naisip sinabayan ko ang kantang Thunder.
Today is a winding road that’s taking me
To places that I didn’t want to go whoa
Today in the blink of an eye
I’m holding on to something
And I do not know why I tried
I tried to read between the lines
I tried to look in your eyes
I want a simple explanation
For what I’m feeling inside
I gotta find a way out
Maybe there’s a way out
Your voice was the
Soundtrack of my summer
Do you know you’re unlike any other?
You’ll always be my thunder
Para akong tanga na sumisigaw habang kumakanta at kung ano ano ginagawan parang rockista ewan. Baste feel na feel ko yung kanta eh, parang ako nga lang yung nasa kwarto kung kumanta ako parang walang ibang nakakakita. Walang hiya hiya. At ang sunod ko na lang narinig ay ang malakas na tawa ni Zeon kitang kita ng dalawang mata ko kung gaano siya kalakas tumawa at parang wala ng bukas. Basta wagas siya makatawa. Natuwa naman ako syempre kasi napatawa ko siya kahit na mukha akong tanga sa pinaggagagawa ko, mukha akong balik, may topak, o may sayad. Para akong bata na wala lang laro laro lang at walang pakialam sa mga nakapaligid. Tumatalon pa nga ako habang kumakanta eh. Feeling ko sobrang close na namin ni Zeon at kahit mag mukha akong tanga sa harap niya ay ayos lang. Kaya sinabayan ko ulit ang kanta.
And now I’m itching for the tall grass
And longing for the breeze
I need to step outside
Just to see if I can breathe
I gotta find a way out
Maybe there’s a way out
Your voice was the
Soundtrack of my summer
Do you know you’re unlike any other?
You’ll always be my thunder
And I said your eyes
Are the brightest of all the colors
I don’t wanna ever love another
You’ll always be my thunder
So bring on the rain
Para pa rin akong tanga sa aking pag kanta feeling ko nga nag-coconcert ako eh tapos si Zeon ang aking number 1 fan. Kahit para ng paos ang boses ko kakasigaw ayos lang kasi napapasaya ko naman si Zeon. At biglang gulat ko ng tumayo siya sa kinauupuan niya at nakikanta na rin sa akin at para ding may topak kumanta itong si Zeon. Sobrang cute niya nakakagigil sarap niyang yakapin, kurutin sa pisngi at halikan sa labi. Syempre di ko gagawin yun dahil ayaw kong masira ang pag-kakaibigan namin at alam kong lalaki si Zeon at babae ang hanap niya, at alam ko rin na hindi ka pwede maging mag-kasintahan dahil hanggang mag-kaibigan lang ang turing niya sa akin. Kaya sabay na kaming kumanta ni Zeon at i-nenjoy namin ang bawat san dali ng tagpong iyon.
Yeah I’m walking on a tightrope
I’m wrapped up in vines I think we’ll make it out
But you just gotta give me time
Strike me down with lightning
Let me feel you in my veins
I wanna let you know how much I feel your pain
Today is a winding road that’s taking me
To places that I didn’t want to go whoa
Your voice was the
Soundtrack of my summer
Do you know you’re unlike any other?
You’ll always be my thunder
And I said your eyes
Are the brightest of all the colors
I don’t wanna ever love another
You’ll always be my thunder
And I said your voice was the
Soundtrack of my summer
Do you know you’re unlike any other?
You’ll always be my thunder
So bring on the rain
Oh baby bring on the pain
And listen to the thunder
Hanggang sa matapos na ang kanta, para kaming mga tanga na nag-tatawanan. Wala lang masaya lang kaming dalawa, para talagang ang tagal na naming magkakilala kung magkulitan, magbiruan, at magtawanan. Sa tagpong iyon na tawa lang kami ng tawa dahil sa pinaggagagawa namin, bigla na lang niya ako binato ng unan, sapul naman ako sa ulo kaya kinuha ko rin ang unan na binato niya sa akin at aakmang ibabato sa kanya pero malas ko naunahan niya uli ako at sapul na naman ako sa ulo.
Nakadalawa ka na ah!!! sigaw kong patawa sa kanya.
Di niya ako sinagot pero tumawa lang ito ng tumawa. Kaya hinabol ko ito dala dala ang aking dalawang unan na hihahampas sa kanya, pero mabilis din itong si Zeon tumakbo at dahil sa lawak ng kwarto ko mahirap ko siyang maabutan lalo pa naman maraming nakaharang na furniture at gamit sa kwarto ko kaya nahihirapan akong mahabol siya. Ito namang si Zeon tawa lang ng tawa parang baliw, sobrang saya niya kitang kita ko sa mga kislap sa kulay grey niyang mga mata. Hanggang sa maabutan ko na siya at nagpangbuno kami tiningnan kung sino ang mas malakas. Pero syempre panalo siya mas athletic ata itong si Zeon varsity player kasi siya ng badminton sa school at paminsan minsan pag-walang practice sa varsity nila nag-lalaro ito ng basketball kasama ang kanyang mga kabarkada. Kaya natural mas athletic siya kaya ako ang talo sa pangbuno namin. Tawanan lang kaming dalawa sa sobrang saya ng tagpong iyon ayaw ko ng matapos pa iyon. Nakapaibabaw siya sa akin gawa nga ng pambuno namin na siya ang nanalo, habang nasa ganoong kaming sitwasyon ay naramdaman ko ang pag-init muli ng aking katawan at ang pag-laki ng aking junior, kaya agad akong bumalikwas para di niya maramdaman ang pag-laki ng aking sandata. Ramdam ko namula ako sa sobrang pagod at dahil na rin sa sobrang init na aking nadarama. Tawanan pa rin kami.
Niyaya ko na si Zeon kumain dahil kanina pa nga nakalatag ang pag-kain dun sa lamesa. Zeon, kain na tayo kumakalam na sikmura ko. ang pagyaya ko sa kanya na medyo natatawa pa rin.
Sige, tara tol kain na tayo. natatawa din niyang sabi. Kulit mo kasi eh yan tuloy napagod tayo at namumula ka pa hehe. patawa pa rin niyang sabi.
Naupo na ako sa sofa at kinuha na ang isang plato na ang ulam ay Fried Chicken at adobo. Ah! ako pa makulit ngayon eh ikaw nga tong unang nag-bato ng unan eh. patawa kong paliwanag sa kanya.
Eh! ikaw kasi mukha kang tanga kanina habang kumakanta, natawa tuloy ako! patawa rin niyang sabi.
Eh, buti nga pinatawa kita eh! seryoso kasi ng mukha mo kanina pa eh. Halikana dito Zeon ano tinatayo tayo mo jan kain na tayo lalamig lalo tong pag-kain kanina pa nakaahin. sabi ko sa kanya.
Lumapit naman siya sa lamesa at naupo sa sofa sa harap ko. At kinuha niya yung isang plato na may fried chicken at adobo rin. Talaga bang malungkot mukha ko? tanong niya.
OO. Parang may problema ka nga eh ano ba yun? pede mo naman sabihin sa akin malay mo matulungan pa kita. dugtong ko.
Ah eh WALA naman.
Sus! anong wala, halatang halata namang meron eh. sabi ko sa kanya habang kumakain ng fried chicken.
Tss.. wag na lang. Wag mo na lang akong alalahanin.
Eto naman oh akala ko mag-kaibigan na tayo, kahit sandaling panahon pa lang tayo mag-kaibigan pede mo akong pag-katiwalaan, asahan, lagi kitang handang tulungan ang sabi ko sa kanya na may laman pa ang aking bibig.
Eh! nahihiya talaga ako tol…
Wag ka nga. Alam mo naman na kaibigan mo ako at sa kaibigan walang hiya hiya hindi uso yun. Pag stranger lang ang isang tao dun ka mahiya. Bakit Zeon stranger ba ako para sa iyo? ang pangungulit kong tanong sa kanya.
Hindi naman sa ganon kaso-
Kaso ano?
AH! sige na nga sasabihin ko na sayo. ang sabi niya habang nginunguya ang adobo sa kanyang bibig. Tungkol kasi kay Yuri. ang dugtong pa niya.
Sabi ko na nga ba si Yuri na naman eh. sabi ko sa sarili ko. O e anong meron kay Yuri? kunyari di ko alam.
Totoo bang may kasintahan na siya?
OO. Patagong relasyon lang ang meron sila. Kaya di na ako nagulat na hindi mo alam na mag-kasintahan si Yuri at Vince. At di na rin ako nagulat sa reaksyon mo na sobra atang nagulat dahil natural lang naman yun kapag nakita mo ang taong mahal mo na may mahal ng iba. Masakit talaga sa pakiramdam…
Ang akala ko nga nung una kayo ni Yuri ang magkasintahan dahil lagi kayong magkasama halos di na kayo mapaghiwalay. Sobrang dikit niyo sa isa’t isa at aamin ko sayo tol noon pa lang 1st year at 2nd year tayo ay kilala ko na kayo ni Yuri dahil napakapopular niyong dalawa at marami ngang nagsasabi na bagay kayo sa isa’t isa at ang buong akala ko rin na kayo talaga ang nagmamahalan.
Huwag mo namang sabihin sa akin na pinagseselosan mo ako ng dahil kay Yuri. tugon ko.
OO aaminin ko sayo naiingit ako sa iyo noong una dahil sobrang lapit ng loob mo kay Yuri, at kagaya nga ng sabi ko marami ding nagsasabi na bagay kayo na mas nagpalalim ng kagustuhan ko na mas malapit ang loob kay Yuri.
Wag ka mag-alala Zeon hanggang mag-kaibigan lang talaga kami ni Yuri kaya hindi mo ako dapat pagselosan. Pasensya ka na nga pala dahil hindi ko sinabi sayo ang tungkol kay Yuri at Vince.
Bakit hindi mo nga sinabi sa akin? medyo tanong niyang patampo.
Eh kasi naman sekreto at pribado lang talaga ang relasyon nila, mga malalapit na kaibigan lang niya ang nakakaalam dun maliban dun wala na iba pang nakakaalam sa estado ng kanyang relasyon.
Bakit kailangan pa niyang itago yun kung mahal talaga niya si Vince?
Ang sabi lang niya sa amin ayaw niya ng mangyari pa ang nangyari sa past niyang boyfriend na si Leo, naalala mo pa iyon hindi ba? tanong ko sa kanya.
OO. Yung naging sobrang kumplikado ng kanilang relasyon dahil maraming tao ang gustong sumira sa kanila.
OO yun nga yun. Yun talaga ang malalim na dahilan kung bakit tuluyan niyang itinatago ang kanyang relasyon kay Vince, dahil kakabit ng kanyang kasikatan ay marami pa ring gustong sumira sa kanya maihahambing ko nga siya sa isang artista na sobrang sikat ngunit walang takas sa kanyang mga tagahanga at wala na ring pribadong buhay. Napakakomplikado.
Matagal na ba ang relasyon ni Yuri at Vince?
OO mga pitong buwan na rin ang kanilang relasyon at magaling talaga silang magtago ng kanilang pagmamahalan, at kahit pa nga marami ng sabi sabi na sila na Vince ay pinapabulaanan lang nila ito para manatiling payapa pa rin ang kanilang relasyon.
Eh bakit noong isang beses ipinagkakalat mismo ni Vince na sila na ni Yuri? hindi nagalit si Yuri dun? tanong ni Zeon.
Syempre nagalit si Yuri, muntik pa nga silang maghiwalay ng dahil dun eh. Alam mo naman na napakayabang nitong si Vince kaya nga kung ako lang papapiliin ayoko si Vince para kay Yuri.
Eh sinong gusto mo para kay Yuri?
Kahit sino na mabait at mamahalin si Yuri ng taos sa puso.
Eh ako pede ba kay Yuri?
Hindi dahil para sa akin ka lang. sambit ng utak ko sa tanong niyang yun. Pero iba ang sinabi ng bibig ko: OO bagay na bagay kayo ni Yuri, perpekto kayo para sa isa’t isa.
Tingin mo bagay at may pag-asa ako sa kanya? palagay ko nga parang wala akong pag-asa sa kanya eh. Di ako karapat dapat sa kanya.
Bakit mo naman nasabi yun? usisa ko.
Mayabang at presko ako sa paningin niya…
Sus! eh kung ikukumpara kita kay Vince sa sinasabi mong kayabangan at kapreskuhan ay humble ka pa nga sa lagay na yan eh. Eh etong si Vince talaga namang napakayabang ewan ko nga kung anong nakita ni Yuri sa kanya hehe.
Sa tingin mo talaga dapat hindi ako mawalan ng pag-asa sa kanya?
OO naman. Kung mahal mo talaga ang isang tao gagawin mo lahat para maipaglaban ang pagiibigan niyo kahit pa maraming nakahadlang sa daanan. Dapat handa kang suungin at bangain lahat ng problema na darating sa inyong pagmamahalan dahil alam nating lahat na sa huli pag-iibigan parin ng isa’t isa ang mananaig. Maikukumpara ko din ang pagmamahalan sa isang bagyo kasi marami talagang sakuna na mararanasan kapag nagmahal ka pero pagkatapos ng bagyo na iyon ay sisibol ang isang makulay na bahaghari na nagrereprensta ng makulay na buhay kapag tayo ay umiibig. Kaya dapat lang na hindi ka mawalan ng pag-asa at ipaglaban ang iyong pagmamahalan hanggang huli.
Salamat sa paliwanag mo. T-tama ka nga. Naliwanagan ako sa mga sinabi mo. Ang ganda ng mga sinabi mo at binigyan mo ako ng inspirasyon. Idol na kita simula ngayon ang dami kong natutunan tungkol sa pag-ibig. Mukang nakaranas ka na atang mag-mahal ah Idol? sabi ni Zeon.
Hehe idol? Walang anuman at buti naman naliwanagan ka.
OO yun na tawag ko sayo. O sagutin mo na yung tanong ko kung nakaranas ka na ng pagmamahal?
OO ngayon may iniibig na ako.
Sino? sabihin mo sa akin at baka matulungan kita.
Saka ko na sasabihin sayo Zeon malalaman mo rin kung sino yun sa takdang panahon. tugon ko.
Bat di pa ngayon?
Saka na lang sa tamang oras at panahon malalaman mo rin kung sino iyon. hehe.
Sige na nga di na kita kukulitin Idol!
Hehe buti naman Idol. Ah nga pala may isa pa akong tip sa iyo kaibiganin mo si Yuri para mas mapalapit ka sakanya.
Paano?
Alam mo sagot jan di na kita kailangan pang tulungan sa parte na iyan.
Mukang alam ko na kung papaano. sabi ni Zeon
Buti naman at malawak din ang iyong pag-iisip tugon ko.
Tama ka tol! naliwanagan ang utak at puso ko sa mga sinabi mo. Gagawin ko ang lahat para mahalin din ako ni YURI! dahil mahal ko SIYA! Cheers! sabi niya sabay tunga sa bote ng beer.
Kaya mo yan tol! sabi ko sa kanya na pilit na ngiti ang binitiwan.
Ako rin ay naki-cheers na kahit papano ay natuwa ako dahil nag-open up siya sa akin. Pero sa loob loob ko pa rin ay masakit, para aking tinaga sa puso ng sinigaw pa niyang mahal na mahal niya daw si Yuri at lahat ng paraawn ay gagawin niya para makuha din ang pagmamahal nito. Ouch ang sakit ah sabi ko sa sarili ko.
Ang sakit talaga ng nararamdaman ko sa loob loob ko dahil mahal ko itong si Zeon pero ang mahal naman niya ay si Yuri. Para namang tinataga at dinudurog ang puso ko sa mga oras na iyon lantaran niya kasi sinabi sa akin kung gaano niya kamahal si Yuri. Samantalang ako nagpapangap na sinusuportahan siya pero ang sakit talaga para sa akin ang mga iyon. Napabuntong hininga na lang ako sabay sabi sa sarili ko na Wala naman akong karapatan mahalin si Zeon. Wala talaga akong pag-asa. Ahhhh! sumisigaw na lang ako sa loob loob ko at pinipilit kong wag tumulo ang luha at ibinabaling na lang ang atensyon sa iba. Ang hirap talaga magmahal ng kapwa mo lalaki.
Tinuon ko na lang muna ang atensyon ko sa ibang bagay para wag muna sumagi sa isip ko ang mga masasakit na pangyayari na pumapasok sa aking isipan.
Inuman na lang kami ng Inuman at kwentuhan parin tungkol kay Yuri habang nanunuod ng movie sa HBO yung movie na “The Hangover” tawanan at biruan kami pero sa loob loob ko ay nasaktan ako dahil naramdaman kung totoong mahal niya si Yuri ang aking matalik na kaibigan.
Medyo malalim na rin ang gabi at tuloy pa rin ang malakas na ulan at medyo lasing na rin si Zeon kaya di na siya nakauwi sa bahay nila at sa bahay na lang
Itutuloy/../
Labels:
Love Story
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment